• HR/IHL
  • Languages
  • Subscribe
  • Contact
Philippine Revolution Web Central
  • Home
  • About Us
    • CPP Constitution and Program
    • Great Achievements of the CPP
    • CPP Anniversary Statements
    • Basic Rules of the New People’s Army
  • Statements
    • CPP
    • NPA
    • NDFP
  • Press Release
  • Ang Bayan
    • Ang Bayan Ngayon
    • Ang Bayan Ngayon Compilation
    • Ang Bayan Issues
    • Ang Bayan Video
  • Publications
    • Ulos | Ginintuang Edisyon
    • NDFP Publications
      • Liberation Philippines
      • Liberation International
      • UPDATES Philippines
  • Resources
    • PRWC Website (1998-2005)
    • Primers
    • Leaflets
    • Video
  • Gallery
    • Mga Martir ng Rebolusyon
    • Mga Pulang Martir
Pahayag

Mga yunit sa ilalim ng MGC - NPA ST, tatalima sa ceasefire Aktibong magdepensa habang sinasansala ang paglaganap ng CoVid-19

Armando Cienfuego | Spokesperson | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | New People's Army
March 28, 2020

Inaatasan ng Melito Glor Command-New People’s Army Southern Tagalog (MGC – NPA ST) ang lahat ng mga yunit ng NPA sa ilalim nito na tumalima sa pambansang deklarasyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas na tigil-putukan simula 12:00 ng madaling araw ng Marso 26 hanggang 11:59 ng gabi ng Abril 15.

Sa panahon ng tigil-putukan, inaatasan ang lahat ng yunit ng MGC – NPA ST at milisyang bayan na ipatigil at ipagpaliban ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba at ituon ang lahat ng mga pwersa at rekurso sa pagsansala at paglaban sa pandemic na CoVid-19. Ipagpapatuloy ng mga naturang yunit ng NPA ang nabalangkas nitong programa para sa kampanyang edukasyon, pangkalusugan at sanitasyon upang maiwasan at malabanan ang CoVid-19. Patuloy nilang gabayan ang mga komite sa kalusugan at barrio medical groups sa mga plano ng demokratikong gobyernong bayan laban sa CoVid-19.

Tinatagubilinan ang lahat ng mga yunit ng NPA sa ilalim ng MGC-NPA ST na itaas ang pagmamatyag at ilagay ang mga sarili sa aktibong depensa laban sa mga pataksil na atake, marahas na pagkilos at probokasyon ng mga pwersa ng AFP-PNP laban sa mamamayan at rebolusyonaryong pwersa.

Ilulunsad lamang ang mga operasyon sa aktibong depensa sa harap ng malinaw at napipintong banta ng panganib at aktwal na pag-atake ng armadong pwersa ng GRP sa mamamayan at mga yunit ng NPA sa saklaw ng mga larangang gerilya ng demokratikong gubyernong bayan.

Tinatagubilinan din ang mga sangay ng Partido sa lokalidad at mga yunit ng milisyang bayan na mahigpit na subaybayan ang mga probokasyon at marahas na pagkilos ng mga tropa ng GRP na salungat sa diwa at layunin ng unilateral ceasefire. Kagyat na iparating ang mga impormasyong ito sa pinakamalapit na yunit at kumand ng NPA at kinauukulang komite ng Partido.

Ang deklarasyong tigil-putukan ng rebolusyonaryong kilusan ay pagtugon sa panawagan ni UN Secretary General Antonio Guterres para sa isang pandaigdigang ceasefire sa lahat ng mga naglalabang partido at estado sa iba’t ibang panig ng mundo upang komon na harapin at labanan ang pandemic na CoVid-19.###

Mga yunit sa ilalim ng MGC - NPA ST, tatalima sa ceasefire Aktibong magdepensa habang sinasansala ang paglaganap ng CoVid-19
Other statements
Kabutigan sang 3rd IDPA, Paghinabon sa ila Kalutusan sa LPC-NPA
July 22, 2026
Palakasin ang armadong pakikibaka para gupuin ang pasismo at teror ng estado
July 20, 2026
Dakilain ang buhay at pakikibaka ni Anhing "Ka Oca/Korne" Ingayan Da-it, magiting na kumander at mandirigma ng BHB, mahusay na guro at doktor ng masa!
July 18, 2026
Justice Meted Out Against Treacherous 15th IB Asset in Cauayan
July 17, 2026
Pagparusa sa pusakal na kriminal sa E.B. Magalona, ipinatupad ng BHB
July 17, 2026
Militarisasyon sa Las Navas, kontra-magsasaka, kontra-kaunlaran
July 15, 2026
Kahirapan at kaapihan sa Magsaysay, matabang lupa para sa armadong pakikibaka
July 13, 2026
Dakilain ang buhay at pakikibaka ni Ka Oca! Lutasin ang krisis! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa tagumpay!
July 12, 2026
Aset ng ISAFP at isang traydor sa rebolusyonaryong kilusan, patay sa magkaibang operasyon ng Special Partisan Unit (SPARU) ng RJPC-NPA
July 11, 2026
Implementasyon sang NAP-UPD sa Central Negros, Panugod nga Ginpaslaw sa Kontra-opensiba sang LPC-NPA
July 07, 2026
News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA) and the Philippine revolution.