Archive of Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate

Gunitain ang Buwan ng Magbubukid sa pagbalik-aral sa mga tagumpay na nakamit ng masang Masbatenyo upang isulong ang digmang magsasaka!
October 13, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Binabayo ng lumalalang kawalan ng lupa at kabuhayan ang masang magsasaka sa ilalim ng tumatalim na krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Habang walang ginagawa at isang malaking inutil ang rehimeng Marcos Jr sa harap ng tuluy-tuloy na pagsirit ng mga pangunahing bilihin, pagbagsak sa lokal na produksyon at lumalalang kaguluhan sa bansa. […]

Abutin ang pinakamalawak na suporta upang ilantad ang walang habas na pambobomba ng 2nd IBPA at Filminera Resources Corporation sa kabundukan ng Masbate
September 24, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Araw-gabi ang ginawang pagbomba ng 2nd Infantry Battalion Phil. Army sa bundok ng Bagulayag, Uac at Irong-irong sa bayan ng Uson, Mobo at Milagros. Una nang winasak ng mga bomba ang Mt. Bagulayag na nagsimula bandang alas-10 ng umaga hanggang 12 ng tanghali at mula alas-7 hanggang alas-8 ng gabi nitong Setyembre 23. Kinabukasan, Setyembre […]

Hindi dapat tumigil sa pagtuligsa ang masang Masbatenyo para tuluyang maurong ang planong pagbomba sa kabundukan ng Masbate
September 17, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Kahanga-hanga ang ipinamalas na kapangahasan ng mga residente at mga upisyal ng barangay sa mga bayan ng Milagros, Uson at Mobo na hindi nagpatinag sa pambabanta ng militar upang pumayag na bombahin ang bundok ng Bagulayag at Uac. Sa halip, nagsikap silang pangibabawan ang kanilang takot at iniulat sa kinauukulan ang planong pagwasak sa kanilang […]

Tiyak na pagbabayaran ng AFP-PNP-CAFGU ang mga krimen nito ng pagpatay sa masang Masbatenyo
September 10, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Pinatay ng mga elemento ng militar ang magsasakang si Naldo Canama sa So. Angkay, Brgy. Tubog sa bayan ng Cawayan noong Setyembre 7. Lulan ng motorsiklo ang tatlong armadong elementong bumaril-patay kay Canama. Si Canama ang ika – 19 na naidokumentong biktima ng pampulitikang pamamaslang sa prubinsya sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. Nagkakamali ang […]

Tangkang pagpatay ng teroristang AFP sa isang barangay upisyal mariing kinundena ng masang Masbatenyo
June 21, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Ipinapaabot ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid sa Masbate ang pakikiisa sa masang Masbatenyo sa pagkundena sa mga teroristang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tangkang pagpatay sa barangay Kapitan na si Rudolfo Ygot, 41-anyos noong Hunyo 18, 2023 alas-9 ng gabi sa sarili nitong pamamahay sa Barangay Barag, Mobo. Isa si Ygot […]

Pangalagaan at protektahan ang kalikasan! Palayasin ang mapaminsalang Filminera at iba pang makadayuhang proyekto sa Masbate
April 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Nakikiisa ang Pambansang Katipunan ng Magbubukid – Masbate (PKM – Masbate) kasama ang mamamayang Masbatenyo sa paggunita sa Earth Day ngayong araw, Abril 22, 2023. Sa mga nakalipas na taon, naranasan sa Masbate ang magkakasunod at tumitinding hagupit ng kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, landslide at lindol. Daan-daang residente ang napalikas mula sa kanilang mga […]

Ilantad at itakwil ang huwad at nakalalasong programang pambarangay ng NTF-ELCAC! Isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at makabuluhang pagbabago!
April 20, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

  Download here: PDF Nagbabadyang dumating sa ating mga komunidad ang kunwari’y kaunlarang hatid ng militar, ng DILG at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa ilalim ng Barangay Development Program o BDP. Milyong halaga umano ng proyekto ang ibibigay ng gubyerno sa kada barangay na wala nang presensya ng NPA. […]

Hindi matutumbasan ng ilandaang palabas na tropa ang daan-daang libong Masbatenyong sumusuporta sa armadong pakikibaka
March 31, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Sa atas ni Marcos Jr., inilulunsad ng Joint Task Force Bicolandia ang isa pang bugso ng atake ng militar sa Masbate. Para sa aming mga magsasaka, wala nang bago sa pakanang ito lalupa’t ilang taon nang umiiral ang batas militar sa prubinsya. Aral sa mga naunang tangka ng naghaharing-uri na durugin ang rebolusyonaryong paglaban ng […]

Insulto sa mga magsasaka sa Masbate ang pamamahagi ng lupa ng DAR-5 sa mga paramilitar, CAFGU at ex-NPA
March 30, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Malaking insulto sa aming magsasaka ang pamamahagi ng Department of Agrarian Reform – Bikol (DAR-5) sa mga taksil na CAFGU, mga retiradong militar at pulis maging sa mga rebel returnees. Marami sa kapwa naming magsasaka sa prubinsya ang wala o kulang ang lupang binubungkal. Sila ang nararapat na mga benipisyaryo na dapat pinamahagian ng lupa. […]

Lalabanan ng mamamayang Masbatenyo ang malawakang pang-aagaw ng lupa ng Rehimeng Marcos II sa ilalim ng huwad at kontra insurhensiyang repormang agraryo
July 31, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Huwad ang banderang repormang agraryo ng rehimeng Marcos II. Ginagamit lamang itong panabing sa kanyang agresibong kampanya ng pang aagaw at pangangamkam ng lupa mula sa mga magsasaka. Kasabwat ang ilang malaking rantsero sa Masbate sinisimulan niya sa probinsya ang kampanya ng pagbawi sa mga lupaing inagaw ng kanyang pamilya noong batas -militar. Kasabay ng […]