Pahayag

Nauulol sa takot na mga militar, binaril-patay ang dalawang binatilyo sa bayan ng Uson

,

Tinutuligsa ng Jose Rapsing Command-New People’s Army (NPA-Masbate) ang pagbaril-patay ng mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang binatilyo na sina Redjan Montealegre, 18-anyos, residente ng Barangay Mongahay at JP Osabel, 14-anyos, residente ng Barangay Mabini, sa bayan ng Uson noong Disyembre 27. Naganap ang pamamaslang bandang alas-3 ng madaling araw kung saan parehong nagtamo ng tama sa ulo ang mga biktima na sanhi ng paglabas ng utak ng mga ito. Mula sa sayawan ang dalawa at pauwi na nang mapadaan sa Barangay Paguihaman, Uson kung saan sila binaril ng mga militar na nakahimpil sa naturang barangay.

Inako mismo ng militar na napaghinalaan nila ang dalawang binatilyo. Nagpapakita ito ng labis na takot at desperasyon sa hanay ng militar. Dahil sa takot, walang pagsusuri at hindi man lang tiniyak kung kalaban nila o sibilyan ang dalawang biktima.

Taos-pusong ipinapaabot ng JRC-NPA Masbate ang pakikiramay sa mga pamilya, kamag-anak at kaibigan ng mga biktima. Nakikiisa rin ang BHB-Masbate sa mga nananawagang residente at masang Masbatenyo na magdoble ingat ang mga kabataan. Laging banta sa kaligtasan ng mga kabataan at lahat ng mamamayan ang presensya at pananatili ng mga militar sa inyong mga lugar.

Nananawawagan rin ang BHB-Masbate sa lahat na kumilos sa anumang paraan upang itaboy at tuluyang mapalayas ang mga pasista at mga berdugong militar na naghahasik ng karahasan sa ating prubinsya. Hindi dapat magpatinag sa pananakot at pambabanta ng militar upang hadlangan ang pagsiwalat sa kanilang krimen at pagkamit sa hustisya sa lahat ng kanilang biktima.

Balik-aralan natin ang kasaysayan ng ating pakikibaka at humugot tayo ng aral mula rito para muling patatagin ang determinasyong labanan ang pasista at berdugong armadong pwersa ng estado. Muling tipunin natin ang ating lakas at magkaisa at mabagsik na ihambalos ang galit sa mga lokal na naghahari-harian at mga papet na hukbo nito hanggang sa makamit natin ang tunay na hustisya at kapayapaan sa ating pinakamamahal na prubinsya.

Sa mga kabataang nasa hustong gulang, malusog na pangangatawan at pag-iisip, handang magpanibagong-hubog at maglingkod sa bayan ay bukas ang Partido at Bagong Hukbong Bayan na tanggapin kayo. Hinihintay kayo ng masa para ipagtanggol sila at wakasan ang pagsasamantala at pang-aapi sa ating bayan.

Nauulol sa takot na mga militar, binaril-patay ang dalawang binatilyo sa bayan ng Uson