NTF-ELCAC, takot at mangmang sa kapangyarihan ng demokratikong gubyernong bayan
Pinapatunayan ng kamakailang pahayag ng NTF-ELCAC hinggil sa inilabas na mga posters na naglalantad ng mga taksil sa rebolusyon at sa bayan sa rehiyong TK ang kamangmangan nito sa mandato ng Demokratikong Gubyernong Bayan na magpataw ng rebolusyonaryong batas at hustisya sa nasasaklaw nito.
Bilang isang lehitimong pwersang nakikidigma, ang CPP-NPA-NDFP ay nagtatayo ng gubyernong bayan na katapat at hiwalay sa reaksyunaryo, papet at pasistang estado ng mga naghaharing-uring malalaking burgesya kumprador, panginoong maylupa at burgesya-kumprador. Kinakatawan ngayon ng rehimeng Marcos II at ipinagtatanggol ng mga mersenaryo utusan nilang NTF-ELCAC at AFP-PNP-CAFGU ang papet at mapang-aping estado. Itinatayo at pinalalakas ang mga binhi ng Demokratikong Gubyernong Bayan sa malawak na kanayunan ng bansa kung saan umiiral ang lakas ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan, rebolusyonaryong samahan ng uring magsasaka, sektor ng kababaihan, kabataan at mga panggitnang pwersa. Itinatayo at pinapagana nito ang Hukumang Bayan upang dinggin at iproseso ang mga kaso alinman sa pagitan ng mamamayan at sa pagitan ng mamamayan at ng kanilang mga sagad-saring kaaway sa uri na may kriminal na pananagutan sa kanila. Kabilang sa mga kaso, at matingkad sa nagdaang mga taon ang mga kasong isinasampa ng mamamayan laban sa mga taksil sa bayan kagaya nina Erick Simogan, Gerald Mangao at Zena Punada Candelario Segui.
Sila ay kabilang sa sandakot na mga taksil na dating kasapi ng NPA at mga rebolusyonaryong organisasyong masa na tumalikod sa pagkilos, sumuko at nagpagamit sa militar at estado sa kapahamakan ng mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa. Ang ilan sa kanila ay may bukod pang mga kaso sa mga yunit ng NPA na inalisan nila. Kumubra sila ng malaking halaga, lumilikha sila ng nilubid na mga kwento at isinapanganib ang buhay ng mamamayan nang paulit-ulit. Ang kanilang mga testimonya ng kasinungalingan ang ginagamit na batayan ng mga yunit ng AFP-PNP-CAFGU at mismo ng NTF-ELCAC sa marami nilang krimen sa bayan—masaker, pagpaslang, pagdukot, pagwala, iligal na pag-aresto, red-tagging, pananakot, at iba pang tipo ng kahayupan. Sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, isinusumpa ng mamamayan ang kanilang pangalan at papalakas ang sigaw ng taumbayan na sila’y pagbayarin sa kanilang mga kasalanan.
Bago magturo ang NTF-ELCAC at AFP-PNP, pakatatandaan nila ang tatlong daliring tumuturo pabalik sa kanila. Langit at lupa ang agwat ng sistema ng hustisya ng rebolusyonaryong kilusan at reaksyunaryong estado. Makaisang-panig, ubod nang kupad, nabibili at bulag ang “hustisya” nila na lahat ay pinagsisilbi para protektahan ang mga nasa tuktok ng papet, mandarambong at mapang-aping gubyerno—sukdulang pumaslang sa lahat ng sagwil sa kanilang mga interes at hangarin. Napakalinaw ngayong kung sino ang mga kapural ng krimen at pamamasista sa masa, magnanakaw at mangungulimbat ng bilyong pondo ng bayan ay malaya at siyang nasa kapangyarihan. Gutom at lubog sa kahirapan ang taumbayan habang ang mga sumasahod nang malaki mula sa dugo’t pawis nila ang syang mga nasa likod ng malawakang pamamaslang sa pamamagitan ng extrajudicial killings, pagdukot at arbitraryong pag-aaresto, walang-patumanggang pambobomba at pamamaril atbp.
Malaon nang hinihingi ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang hustisya sa lahat ng mga krimen ng mga berdugong AFP at mga aset nitong nagpapahirap sa masang anakpawis. Dahil sa baluktot na sistema ng hustisya ng reaksyunaryong gubyerno, hindi kataka-taka kung bakit ang mamamayan ay dumudulog sa ibang daluyan para dinggin ang kanilang hinaing. Sa likod ng mga lasong inihahasik ng NTF-ELCAC, nahuhubaran din ang kanilang desperasyon at takot sa mahabang kamay ng rebolusyonaryong hustisya. Sadyang kinatatakutan ito ng AFP-PNP, NTF-ELCAC at mga sagadsaring taksil sa rebolusyon at mamamayan dahil ang gubyernong bayan ang tunay na nagtataguyod ng hustisya para sa aping mamamayan. Walang ibang nang-uusig sa kanilang mga krimen kundi ang rebolusyonaryong kilusan.
Bukas ang mga tanggapan ng rebolusyonaryong kilusan sa mamamayan na magsasampa ng mga kaso laban sa mga berdugong AFP-PNP, taksil at iba pang kriminal o maging ng kanilang mga problema sa komunidad. Mahigpit na sinusunod ng rebolusyonaryong kilusan ang pagsasaayos ng mga tunggalian sa hanay ng mamamayan at sa pagitan ng mga mamamayan at kaaway. Ang arbitrasyon ng hukumang bayan sa hanay ng mamamayan ay malinaw na nakabatay sa pagkakamit ng pagkakaisa, taliwas sa marahas na tunggalian sa pagitan ng mga mamamayan at kaaway na kinakailangang gawaran ng karampatang kaparusahan at rebolusyonaryong dahas.
Ang impyunidad at kabulukan ng estado ang lalong nagtutulak sa mamamayan nitong lumaban at isulong ang demokratikong rebolusyong bayan upang makamit ng bayan ang tunay na kalayaan, demokrasya, kapayapaan, kasaganaan at hustisyang inaasam.