Operasyon dikit, inilunsad ng KM-SMR sa Davao City
Naging matagumpay ang operasyon dikit ng Kabataang Makabayan Southern Mindanao Region (KM-SMR), kasabay ng bisperas ng pag-alala ng ika-53 na taon mula ng ideklara ang martial law ni Marcos Sr. Kasabay rin nito, ipinakalat rin ng KM-SMR ang kopya ng Ang Bayan sa iba’t ibang parte sa sentro ng lungsod ng Davao.
Kasabay rin sa aktibidad ang paniningil sa anak ng diktador na si Marcos Jr at ang pagpapanagot sa mga Duterte. Dala rin ng mga kabataan ang panawagan sa pagbuwag ng burukrata kapitalismo kasama ang panawagan sa pagpaparusa sa mga abusado at kurakot sa reakyunaryong gubyerno.
“Sumisiklab ang galit ng mamamayan sa paglitaw ng mga isyu sa kurapsyon kung saan bilyun-bilyon ang kinurakot ng mga pulitiko at kontraktor mula sa taumbayan,” sabi ni Karina Magtanggol, ang tagapagsalita ng KM-SMR. “Sa halip na gamitin ang mga pondo para sa serbisyo sa mga tao, ay binulsa na lamang ito ng iilan.”
Militanteng dinala ng mga kabataan ang panawagan sa pagsulong mga demokratikong rebolusyon ng bayan na sinasabing solusyon sa lumalalang krisis ng lipunan. Ang demokratikong rebolusyon ng bayan ay ang programa ng pambansang demokrasya para lipulin ang tatlong ugat ng problema sa lipunan: pyudalismo ug burukrata kapitalismo.
“Araw-araw na dumadaan, ay tumitibay ang paninidigan ng mamamayan na hindi na lamang reporma sa bulok sa sistema ang sagot,” ani Karina Magtanggol. “Araw-araw ay napapatunayan na rebolusyon ang kinakailangan sa pagkamit ng totoong pagbabago ng lipunan.”
Sabi pa ni Karina Magtanggol, ang kasalukuyang sistema ang nagluwal sa mga kagaya nina Marcos at Duterte na nagpatupad ng pasismo sa mamamayan. Umabot sa libu-libo ang mga natalang paglabag sa karapatang pantao panahon ni Marcos, kagaya rin ng rekord ni Duterte. Sina Marcos at Duterte, ayon sa KM-SMR, ay walang pinagkaiba at ang kinatawan ng burukrata kapitalismo, kung saan ginagawang negosyo ang pamahalaan. Sabi pa ni Karina Magtanggol, dahil sa lumalalang mga krisis, na nagpapatuloy ang pagdami ng mga myembro ng KM-SMR.
“Nakikita ngayon ng mga kabataan ang halaga ng rebolusyon. Matayog na ngayon ang kanilang pangarap. Ito ang pagpapanalo ng rebolusyon ng bayan. Alam ng kabataan na hindi nila ito magagawa kung sila lang. Kailangang pagkakaisa ng mamamayang pinagsasamantalahan ay inaapi, lalo na ang mga manggagawa at magsasaka.”
Masigasig na dinala ng KM-SMR ang panawagan ng mamamayan. Hinahakbangan ng mga myembro sa ngayon, sabi ni Karina Magtanggol, ang konserbatismo sa paggampan ng mga gawain kahit na mayroong banta ng red-tagging, panliligalig, at sarbeylans, at ang pamilitarisasyon, at de facto martial law sa Mindanao.
“Sa kanila ng pasismo sa SMR at sa buong isla ng Mindanao, hindi mapipigilan ng reaskyunaryon pwersa ng estado ang nag-aapoy na galit ng sambayanan. Ihahambalos ng mamamayan ang kanilang galit sa mga reasyunaryo kagaya nila Marcos, Duterte at sa mersenaryong AFP-PNP.” turan ni Karina Magtanggol. “Bilyun-bilyon ang pondo ng intelidyens ni Marcos Jr., ngunit pinatunayan na ng kasaysayan na hangga’t hindi nauugat ang kahirapan ng mamamayan, hinding-hindi magagapi ang rebolusyonaryong kilusan sa pagpapalawak nito sa kasalukuyan.”












