Pahayag sa Oplan Pinta ng KM-Quezon
Habang niyayanig ng mga malalaking opensiba ng New People’s Army ang estado. Hindi nagpahuli ang Kabataang Makabayan (KM)-Quezon na yanigin ang pekeng “kapayapaan” na ipinangangalandakan ng 2nd ID (Jungle Fighter) at Quezon LGU.
Walang takot na pinintahan ng mga rebolusyonaryong kabataan ang mga pader upang salubungin ang pagdating ni Marcos Jr sa Quezon. Marapat lamang na laging ipaalala sa kanya na nanatili ang kapasyahan ng mga kabataan na durugin ang estadong nagpapalaganap ng bulok na sistema sa edukasyon.
Sasabayan ng KM-Quezon ang malawakang pagpapanibagong lakas ng NPA upang makapagpasampa ng libu-libo pang mga kabataan na isusulong ang digmang bayan sa mas mataas na antas. Tanging armadong pakikibaka lamang ang tutugon sa malubhang krisis na kinakaharap ng kabataan sa edukasyon at kabuhayan.
Mabuhay si Dani Lagrama!
Isulong ang kilusang pagwawasto!
Kabataan, sumapi sa NPA!












