Pangalawang Asembliya ng KASAMA-CPDF Wilfredo “Ka Hoben” Aloba Balangay, Naidaos!

,
Ang artikulong ito ay may salin sa Iloco

Ang pangalawang asembliya ng Katipunan ng Samahang Mala-manggagawa-Cordillera Peoples Democartic Front (KASAMA-CPDF) ay matagumpay at ligtas na naidaos dito sa rehiyon ng Kordilyera na may temang “Halawin ang mga mahahalagang aral ng pakikipaglaba ng anakpawis sa Pasismo ng Estado! Pamunuan ang malawak na masa ng mala-mangmangged sa landas ng Pambansa Demokratikong Rebolusyong Bayan! Palawakin at Konsolidahin ang KASAMA-CPDF!” Ang asembliya ay dinaluhan ng mga opisyales at kasapi ng KASAMA-CPDF mula sa iba’t ibang komunidad at sektor ng mala-mangmanggawa.

Naibahagi sa mga dumalo ang mga naisagawa at nakamit ng Balangay sa nakaraan na tatlong taon. Ani Ka Goryo, “Sa nakaraan na tatlong taon ay hinarap natin ang bago at mahirap na kalagayan dulot ng Pandemya at Kontra-Rebolusyonaryong giyera ng rehimen. Ganoon pa man ay marami tayong naisagawa gaya ng namintini natin ang 60% na aderayds na pagpapalawak ng kasapian at namintini natin na mapakilos ang kalakhan o 60% ng kasapian ng KASAMA-CPDF, nabuo natin ang 6 na grupong pang-organisa sa iba’t ibang komunidad at sektor ng mala-manggagawa, regular nating nailunsad ang miting ng Council of Leaders, nasustini ang masiglang rebolusyonaryong pag-aaral at talakayan, naibuwelo natin ang pagggampan natin bilang gulugod ng kilusang masa, at mayroon mahigit na Php15,000.00 na halaga ang naibigay nating tulong at suportang pinansyal, lohistikal at materyal sa mga kasama na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

“Ang ating mga nakamit ay resulta ng ating kolektibong pagkilos at mahigpit na pagtanggan ng ating tungkulin bilang rebolusyonaryong organisasyon. Sa kabila ng mga nakamit natin ay maramin pa rin tayong kailangang paunlarin at harapin. Ang mga kailangan pa nating paunlarin ay ang masigla at mahigpit na pamumuno at pagpapakilos sa malawak na mala-manggagawa sa landas ng rebolusyon at ang tuloy-tuloy na pagpapalawak at pagpapalakas ng KASAMA-CPDF” dagdga pa ni Ka Goryo.

Binigyan ng asembliya ng pinakamataas na parangal ang mga bayani at martir ng rebolusyon partikular ang mga naglingkod at nagmula sa mala-manggagawa na naging kasapin ng BHB at yaong mga hindi.

Inaprubahan ng asembliya ang Konstitusyon at Saligang Batas ng KASAMA-CPDF at ang Pangkalahatang Programa para sa susunod na tatlong taon. Ang nabuo at napagkaisahang Pangkalahatang Programa ay “Pamunuan at Pakilusin ang malawak na masa ng mala-manggagawa sa landas ng Pambansang Demokratikong Rebolusyong Bayan! Palawakin at Konsolidahin ang KASAMA-CPDF!” Naisaayos din ang tumatayong Komiteng Tagapagpatupad (KT) para sa susunod na tatlong taon.

Nagwakas ang asembliya na may matatag na pagpapasya ang dumalo na magpatuloy sa pagkilos para sa rebolusyon at ipatupad ang mga napagkaisahan. ###

Pangalawang Asembliya ng KASAMA-CPDF Wilfredo "Ka Hoben" Aloba Balangay, Naidaos!