Sinasalubong ng mga taktikal na opensiba ng Pulang Hukbo at masa ang ika-56 taong anibersaryo ng pagkatatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Masbate
Inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB-Masbate) sa ilalim ng Jose Rapsing Command, ang kumbinadong mga aksyong opensiba habang papalapit ang pagdiriwang sa ika-56 taong anibersaryo ng pagkatatatag nito. Pinagkumbinang haras, demolisyon at pamamarusa ang isinagawa ng Pulang Hukbo upang bigwasan ang pinagsanib na pwersa ng militar, pulis at mga CAFGU. Layunin ng BHB na pagbayarin ang militar at lahat ng kasapakat nito sa kanilang krimen laban sa masang Masbatenyo.
Kung saan mula Marso 15-24 ay halos magkasunod na nailusad ang apat na aksyong opensiba. Kabilang rito ang matagumpay na pagpapasabog noong Marso 24, alas-9 ng gabi, sa CAFGU detatsment sa Barangay Manlut-od, Placer. Sa aksyong ito tanging ang dalawang nagtamo ng sugat lang ang inako ng militar. Subalit ayon sa mga residente na liban sa dalawang sugatan ay kitang-kita nila na may dalawang napatay sa naturang pagpasabog.
Hinaras din ng Pulang Hukbo ang hedkwarter ng kumpanya sa Barangay Estampar, sa bayan ng Cataingan, noong Marso 22, alas-12:55 ng gabi. Isang mixer truck naman ang nasunog noong Marso 17, alas-7 ng gabi sa Barangay Santa Cruz, Placer matapos ipataw ng Pulang Hukbo ang parusa sa konstruksyon ni Engr. Bacolod dahil sa paglabag nito sa mga panuntunan ng rebolusyonaryong kilusan sa Masbate. Dalawang araw bago nito, hinaras ng mga kasama ang kaaway na nakahimpil sa Barangay San Vicente, Dimasalang.
Labis na pinasasalamatan ng Jose Rapsing Command (BHB-Masbate) ang masang Masbatenyo sa malaking ambag nito upang maging matagumpay ang mga ikinasang aksyon. Ganun din sa mga Pulang mandirigma na gumampan ng mahahalagang papel upang maisakatuparan ang mga planong taktikal na opensiba laban sa mga bayarang militar, pulis at mga CAFGU.
Pagpasok palang ng unang kwarto ng taong 2025, walang tigil at tuluy-tuloy ang operasyon ng kaaway sa buong prubinsya. Masinsinan at halos bara-barangay na ginagalugad ng mga militar ang mga lugar na kanilang pinaghihinalaang may presensya ng BHB. Ipinailalim ng militar sa Modified Community Support Sustainment Program (MCSSP) ang mga barangay na dating isinailalim sa RCSP.
Pinatinding pananakot, pambabanta at tortyur ang isinagawa ng militar, pulis at CAFGU sa mga sibilyan. Pinakabago nito ang pagbubog ng mga myembro ng 96th MICO kay Totong Cuyos, magsasaka at residente sa Barangay Cabrera, Dimasalang nito lang Marso 27, alas-10:30 ng umaga. Laganap rin ang pagnanakaw ng militar sa mga sibilyan laluna sa ikalawang distrito ng prubinsya at pinalalabas na kagagawan ito ng mga BHB na umanoy nagugutom na dahil sa kawalan ng pagkain at suporta ng masa. Paraan din ito ng militar upang bigyang katwiran ang kanilang mga inilunsad na operasyon upang “tugisin” umano ang mga magnanakaw na BHB.
Wala silang natatagpuan at naeengkwentrong hanay ng BHB. Bunsod ng kanilang desperasyon, ibinabaling nito ang galit sa mga sibilyan kung saan sapilitang pinaaamin at masahol, pinararatangang mga kasapi ng NPA at pinagbabantaang kakasuhan kung hindi makipagtulungan sa kanila.
Subalit, sa lahat ng ito bigo ang militar sa kanilang layunin na gawing pagod at gutom ang mga kasama at putulan ng suporta mula sa masa. Higit sa lahat, bigo silang ilagay sa gasgasan at depensibong labanan ang mga kasama. Sa maagap na pagpapaabot ng mga masa, mahusay na naiiwasan ng mga kasama ang hindi planado at disbentahe o depensibong mga labanan. Taliwas dito, nagkaroon ng pagkakataon ang Pulang Hukbo upang maglunsad ng taktikal na opensiba na puminsala at nagparalisa sa hanay ng kaaway.
Sa kabilang banda, dahil pagod mula sa kanilang bigong mga operasyon, takot mga militar na maambus pabalik sa kanilang kampo at detatsment. Dahil dito, piniperwisyo ng militar ang masa kung saan sapilitang nagpapahatid ang mga ito gamit ang sasakyan ng mga sibilyan upang gawing panangga.
Sa nangyaring aksyong opensiba ng BHB, hindi batid ng militar at mga kasapakat nito kung saan sila tutungo upang tugisin ang Pulang Hukbo.
Nagagalak naman ang mga biktima ng karahasan ng militar, pulis at CAFGU matapos ang mga inilunsad na aksyong opensiba. Ayon sa kanila, tanging ang rebolusyonaryong kilusan at mga kasama ang tunay na nagbibigay hustisya sa kanila. Higit sa lahat, ang BHB ang tunay na naglilingkod at nagpoprotekta sa kanilang buhay at kabuhayan.
Tiniyak ng mga ito na mananatili ang kanilang suporta at gagawin ang lahat upang makapag-ambag upang maging ligtas at higit pang lumakas ang kanilang Pulang Hukbo.
Aasahang tuluy-tuloy naman na maglulunsad ang BHB ng matatagumpay na taktikal na opensiba upang singilin at panagutin ang pinakasagadsarin at may utang na dugong mga pwersa ng militar, pulis at iba pang mga kasapakat nito. Pinapangako ng Pulang Hukbo na hindi titigil na ipatupad ang batas ng mamamayan at ipataw ang parusa sa mga kriminal na pwersa ng reaksyunaryong estado na pinamumunuan ngayon ni Bongbong Marcos Jr na isang papet, magnanakaw, pasista at kontra-mamamayan.
Nananawagan naman ang pamprubinsyang kumand sa lahat ng mga nasa hustong gulang at may malusog na pag-iisip na bukas ang rebolusyonaryong kilusan na tanggapin kayo. Makipag-ugnayan lang sa mga yunit ng BHB na umiikot sa inyong mga lugar. Hinihintay kayo ng masa upang isulong sa mas mataas na antas ang pambansa-demokratikong rebolusyon at kamtin ang tagumpay nito. Kita-kits mga kasama!