Sundalo, Patay sa Engkwentro sa NPA
Nagkaengkwentro ang NPA-Quezon at mga sundalo ng Philippine Army sa Barangay Mabini ng Lopez, kahapon bandang 10AM. Kinumpirma ng mga pulang mandirigma na hindi bababa sa tatlo (3) ang kaswalti sa tropa ng sundalo.
Wala namang pinsala sa mga NPA.
Matapos ang labanan, napaulat na may ipinagsamang mag-uuling ang mga sundalo para imbestigahan. Isang oras na ang nakalipas ay tuloy pa rin ang walang habas na pagpapaputok ng mga sundalo kung saan-saang direksyon.
Mahigit tatlong buwan na ang tuloy-tuloy na focused military operations ng 201st IBde na sumasaklaw sa mga bayan ng Lopez, Macalelon, Gumaca, Catanauan at General Luna. Bukod pa rito ang napapaulat na operasyong militar sa dulong bahagi ng Quezon.
Idinagdag ang 81st IBPA at 16th IBPA sa dati nang 85th IBPA na sumasaklaw sa South Quezon-Bondoc Peninsula. Ito ay sa kabila ng deklarasyon ng 201st Ibde at provincial government na wala na ang NPA sa lalawigan.