Archive of NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)

Tama na ang isang Marcos! Never Again to Martial Law!
September 21, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Hindi karaniwan ang paggunita ng sambayanang Pilipino sa deklarasyon ng Batas Militar ngayong buwan ng Setyembre. Dahil, una ay ika-50 taon na ito nang ibaba ng diktador na Marcos Sr ang paghaharing militar sa bansa, at ikalawa ay nakabalik silang muli sa Malacañang sa katauhan ni Bongbong Marcos. Parang mapait na biro ang nangyari, subalit […]

Hinggil sa talumpati ni Ferdinand Marcos Jr (Marcos II)
July 27, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Lubhang nahihiwalay at hindi nauunawaan ng bagong rehimeng Marcos-II ang tunay na kalagayan at ang krisis na kinakaharap ng sambayanang Pilipino. Sa higit isang oras na talumpati ni Marcos, tiniyak niya na mamumulaklak ang Batasang Pambansa sa bawat salitang kanyang bibitawan sa harap ng madla. Pinaghehele niya ang mamamayan sa mga pangako at panaginip sa […]

“Kaunlaran” sa ngalan ng terorismo
June 03, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nagpapatawa si Bgen. Norwyn Tolentino kung inaakala niyang magagawa nitong durugin ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Quezon. Ang sinasabi niyang “gawaing pangkaunlaran” ay peke, gawa-gawa at pakitang-tao lamang sa mamamayan ng lalawigan upang pagtakpan ang di na mabilang na kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao ng 201st Brigade, 85th IBPA at 59th IBPA […]

Tatlong sundalo arestado sa pamamaril sa Mauban!
April 14, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Arestado ang tatlong sundalo ng 59th IB sa Mauban matapos na pagbabarilin ang isang sibiliyan noong Abril 10. Ayon sa nakuhang ulat, pinagbabaril ng 3 lasing na sundalo ang isang sibilyan sa Brgy. Pulo, bandang alas-9 ng gabi. Nagsampa ng reklamo ang biktima at kagyat na inaksyunan ito ng mga pulis. Samantala, kinundena naman ni […]

Karahasang militar sa Quezon, lumalala!
April 12, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nananawagan ang Apolonio Mendoza Command New People’s Army Quezon na dapat mapanagot ang 85th IBPA sa walang inorasan at maya’t mayang panliligalig at paglabag sa karapatang pantao ng mga berdugong militar sa mga magbubukid sa bayan ng Macalelon, Gumaca, Unisan, Agdangan at Lopez nitong nagdaang mga araw. Kamakailan, napabalita ang pananabotahe ng 85th IB sa […]

Ipagdiwang ang ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
March 29, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Ngayong araw na ito ipinagdiriwang natin ang ika-53 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Rebolusyonaryo at taas-kamaong pagpupugay ang ipinaaabot sa mga Pulang mandirigma at kumander ng AMC-NPA-NQ sa walang-humpay at ubos-kaya nitong paggampan at pagsasabalikat ng mabibigat na tungkulin alang-alang sa aping mamamayan na kanyang pinaglilingkuran. Sa mahigit limang dekadang pagsulong ng DRB mas […]

Terorismo at kasinungalingan, magkatambal na krimen ng 85th IB!
March 22, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Malaon nang nagpupuyos ang galit ng mamamayan ng Quezon sa anim na taong walang tigil na paggamit ng dahas, panlilinlang at terorismo ng AFP sa bansa. Sa gitna ng krisis na ating nararanasan, tila isang naglalaway na aso ang mga heneral ng SOLCOM, 85th IBPA at 201st Brigade sa bawat utos ng kanilang commander-in-chief na […]

Pulang pagpupugay kay Kevin “Ka Lucio” Castro! Isang guro, mag-aaral ng sambayanan!
February 23, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Pinakamataas na pulang pagpupugay at parangal ang pinapaabot ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon kay Kevin “Ka Lucio” Castro, kasapi ng Bagong Hukbong Bayan, kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at martir ng sambayanang Pilipino. Inialay ni Ka Lucio ang kanyang panahon at buhay nang walang pag-iimbot para sa sambayanan. Pinagsilbi niya ang kanyang husay, talino […]

Rehimeng Duterte, patron ng e-sabong at iba pang kriminal na aktibidad
February 18, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Tuluy-tuloy na nalululong ang maraming mamamayan sa online sabong , na lalong lumaganap sa panahon ng pandemya. Nagdulot ito ng ibayong pagkabaon nila sa utang at paglaganap ng kriminalidad sa bayan. Kamakailan lamang ay nabalitang nang-holdap ang isang pulis sa Batangas dahil sa utang nito sa online sabong. Samantala umakyat na sa 30 ang bilang […]

Sino ang Pinoprotektahan ng 59th IB?
January 29, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nang buuin at pangalanan na “Protector” ang 59 Infantry Battalion ng Philippine Army, kaagad kang mapapakunot-noo kung nag-iisip ba nang matino ang mga sundalong ito. Sa pelikulang Pilipino at maging sa tunay-na-buhay man ng mga sindikatong kriminal, ang Protektor sa kanilang lenggwahe ay nakapatungkol sa mga bayarang pulis, sundalong iskalawag at korap na opisyal ng […]