Articles tagged with Kalatas Tomo 43 Bilang 9 Setyembre 2023

Kalatas | September 2023
September 30, 2023

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Labanan at gapiin ang terorista’t ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte
September 30, 2023 |

Walang ibang paraan para makapanatili sa poder ang magnanakaw, ilehitimo at kinamumuhiang pasistang rehimeng US-Marcos-Duterte kundi ibayong patindihin ang bangis at lupit ng mga armado’t mapanupil na pwersa ng estado sa nakikibakang mamamayan. Sa nakaraang higit isang taon, pinanumbalik nito ang alaala ng lagim ng batas militar na nag-iwan ng malalim na sugat sa bayan. […]

Taas-presyo ng kopra at pagbawi ng coco levy fund, makatarungang kahilingan ng magsasaka sa niyugan
September 30, 2023 |

Grabeng pahirap sa sambayanan ang napakabilis na pag-akyat ng implasyon sa ilalim ng inutil na rehimeng US-Marcos-Duterte. Katunayan, umabot ang implasyon sa pinakamataas na tantos nito sa nakaraang 14 taon. Para hindi mapahiya, panay ang buladas ng reaksyunaryong gubyerno na hindi pa umano ito malala. Pero sinong maniniwala? Bigas pa lamang, butas na ang bulsa […]

Para saan ang buhay ni Ka Shane?
September 30, 2023 |

Mataas na panggitnang magsasaka mula sa Bicol ang uring pinagmulan ni Ka Shane pero hindi naging maalwan ang kanyang buhay. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan at impluwensya ng bulok na kultura. Taong 2009, umalis siya sa kanila upang makapagsapalaran sa Maynila sa pangarap na makapagpundar ng buhay na kanyang maipagmamalaki. Pagdating sa […]

Bakit krimen sa digma ang pambobomba at panganganyon ng AFP sa mga komunidad?
September 30, 2023 |

Isa sa pinakabrutal na taktika ng kontrarebolusyong digma ng pasistang estado ang pambobomba gamit ang mga makabagong armas kagaya ng mga helikopter, eroplano, drone, howitzer, mortar at iba pa. Ginagamit ito ngayon ng reaksyunaryong Government of the Republic of the Philippines (GRP) bilang malakas at mapanupil na arsenal laban sa armadong pakikibaka ng mamamayan. Sang-ayon […]

Opensiba ng BHB sa Quezon at Mindoro, tagumpay!
September 30, 2023 |

Naglunsad ng mga taktikal na opensiba ang mga yunit ng BHB sa Quezon at Mindoro na nagresulta sa anim na patay at anim na sugatan sa AFP. Setyembre 1. Lima ang patay at apat ang sugatan sa ambus ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB Quezon sa 85th IBPA at CAFGU sa Sityo Pag-asa, […]

1 lider manggagawa, pinatay; 3 kabataan, dinukot
September 30, 2023 |

Mariing kinukundina ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang nagpapatuloy na paghahasik ng pasismo ng estado sa rehiyon. Pamamaslang. Noong Setyembre 29, bandang alas-4 ng hapon, pinagbabaril hanggang mapaslang ng mga elemento ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Jude Thaddeus Fernandez ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa kanyang bahay sa Binangonan, Rizal. Ayon […]

Ibasura ang Terror Law, biguin ang pasistang terror sa TK
September 30, 2023 |

Sa ika-51 taon ng komemorasyon ng Batas Militar, nag-protesta ang mamamayan ng Timog Katagalugan bitbit ang panawagan na “Biguin ang pasistang terror sa Timog Katagalugan! Ibasura ang Anti-Terror Law! Mamamayan, magkaisa para sa karapatan, kalayaan at kabuhayan!” Sa harap ng Korte Suprema, nanawagan ang delegasyon na itigil ang malawakang paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon […]

Mamamayan ng TK, nangalampag laban sa taas-presyo at importasyon
September 30, 2023 |

Sa pangunguna ng mga pamprobinsyang balangay at kasaping organisasyon ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan (BAYAN-TK), inilunsad ng iba’t ibang organisasyon sa rehiyon ang kampanyang “Kalampagan Kontra Taas-presyo at Importasyon”. Pagtutol ito sa sunud-sunod na taas presyo ng langis at bigas at sa patakarang importasyon ng rehimeng US-Marcos-Duterte. Nagsagawa ng iba’t ibang anyo ng protesta gaya […]

Tam Lumaban!*
September 30, 2023 |

Tila may dalang unos ang tunog ng fighter jet Ang paglagapak ng bomba mula sa FA50 Ang sunud-sunod na lipad ng bala ng howitzer Walang habas na istraping mula sa helikopter Desperadong sindakin ang kaingin at kagubatan Balutin sa bangungot at lagim ang kabundukan Nais durugin ang mamamayang naninindigan Iwalay sa lupaing ninuno ang Mangyan […]