Kalatas, December 2022 Sino si Ka Joma?

 

• Ipinanganak noong Pebrero 8, 1939 sa Cabugao, Ilocos Sur si Jose Maria Canlas Sison. Mula siya sa uring panginoong maylupa sa angkan ng mga Sison sa Ilocos at Canlas sa Mexico, Pampanga

• Makata at makabayang guro. Lumikha sa mga tulang The guerilla is like a poet, I am always with you, at iba pa. Naging instruktor sa UP Diliman noong 1959 at Lyceum of the Philippines noong 1964-67.

• Mapagmahal sa kapayapaan. Pangunahing tagapagsulong ng usapang pangkapayapaan sa GRP at nagsilbing chief political consultant ng NDFP mula 1992 na may malaking ginampanang papel sa pagkakamit ng the Hague Joint Agreement, Joint Agreement on Immunity and Safety Guarantees at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. Kabilang sa nagbalangkas ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms, Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reforms at End of Hostilities and Redisposition of Forces.

• Komunistang lider. Tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) noong Disyembre 26, 1968, nanguna sa pagtatayo ng Bagong Hukbong Bayan noong Marso 29, 1969 at pagbubuo ng National Democratic Front of the Philippines noong Abril 24, 1973.

• Dakilang Teorista. Nagpakadalubhasa siya sa Marxismo-Leninismo-Maoismo at ginamit ito sa patuloy na pag-aaral at pagsusuri sa partikular na kalagayan ng lipunang Pilipino at ginabayan ang pagsulong ng rebolusyon sa higit 50 taon. Pangunahing nagsulat ng mayor na dokumento ng Partido, partikular na ang sumusunod:

  • Iwasto ang mga pagkakamali at muling buuin ang Partido
  • Ang Mahigpit Nating mga Tungkulin
  • Partikular na Katangian ng Digmang Bayan
  • Muling Pagtibayin ang ating mga Saligang Prinsipyo at Iwasto ang mga Pagkakamali
  • Manindigan sa Sosyalismo Laban sa Modernong Rebisyunismo

• Proletaryong internasyunalista. Pinangunahan ang pagtatanggol at MLM laban sa modernong rebisyunismo matapos mamatay si Mao. Tagapangulong tagapagtatatag ng International League of People’s Struggles noong Mayo 2001 na nagsilbing pinakamalawak na nagkakaisang prente ng lahat ng mamamayan laban sa imperyalismo.

___
Una sa serye ng mga artikulo hinggil kay Kasamang Jose Maria Sison

Sino si Ka Joma?