Articles tagged with Kalatas Tomo 42 Bilang 12 Disyembre 2022

[Editoryal] Ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan laban sa teroristang rehimeng US-Marcos-Duterte
December 31, 2022 |

Hindi maaaring maglubay kahit sansaglit ang mga tagapagtanggol ng demokratikong karapatan ng bayan. Nagpapakawala ng walang kaparis na teror ang pinakamasasahol na pasista at kalaban ng tunay na kalayaan at demokrasya, ang tambalang Marcos-Duterte. Dapat maghanda at sumuong sa pukpukang laban sa harap ng paninibasib ng mga armadong pwersa ng estado katambal ang crackdown gamit […]

Lumalalang kahirapan sa taong 2022
December 31, 2022 |

Galit na galit ang sambayanang Pilipino sa pang-iinsulto ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte sa kanilang kahirapan. Ngayong Disyembre kung kailan sasalubungin ng bayan ang mga okasyong pasko at bagong taon, walang kahihiyang nagpayo ang gubyernong Marcos II na “maging madiskarte,” “magtipid” o “pagkasyahin ang P500 para sa simpleng handa sa noche buena.” Walang karapatan ang reaksyunaryong […]

Sumusulong ang mga pakikibakang bayan sa TK
December 31, 2022 |

Ngayong 2022, dumaluyong ang mga protesta sa buong bansa sa termino ng dalawang pinakasagadsaring dinastiyang pulitikal — ang pamilya Duterte at Marcos. Umalingawngaw sa lansangan ang mga panawagan para sa lupa, sahod, trabaho, pangangalaga sa kalikasan, serbisyong panlipunan at karapatang tao. Laban sa pasista at ilehitimong rehimen. Nakiisa ang mamamayan ng TK sa pakikibaka ng […]

Tugon ni Patnubay de Guia: Ano ang papel ng mga rebolusyonaryong pwersa at tunay na lingkod ng bayan sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan sa pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon?
December 31, 2022 |

Itinakda ang eleksyong pambarangay ng Sangguniang Barangay (SB) at Sangguniang Kabataan (SK) ng Disyembre 5 subalit muling ipinagpaliban ito sa Oktubre 2023 ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte. Ikinubli ng bagong upong rehimen sa maksimisasyon ng pondo ang dahilan ng pagpapaliban subalit tiyak na resulta ito ng kumpromiso ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte (MAD) sa isa’t isa at sa […]

Dalawang Indeks Praymer, inilabas ng KARED-TK
December 31, 2022 |

Inihahandog ng Kagawaran sa Edukasyon – Timog Katagalugan (KARED-TK) ang dalawang Indeks Praymer na nagtatalakay sa napapanahong mga isyu ng SIM card registration law at pandaigdigang makataong batas. Ang Indeks Praymer: Puspusang Labanan at Itulak ang Pagpapabasura sa SIM Card Registration Law ay inilabas noong Nobyembre at ang Indeks Praymer: International Humanitarian Law (IHL) ay […]

Mamamayan muling nanawagan: Ipahinto ang Kaliwa Dam
December 31, 2022 |

Muling nanawagan ang mamamayan ng Rizal at Quezon at katutubong Dumagat at Remontado na ipahinto ang mapaminsalang Kaliwa Dam matapos ang malubhang flash flood na kumitil sa buhay ng 7 katutubong senior citizen at isang 5-taong gulang bata sa Brgy. Sta. Inez, Tanay, Rizal. Pauwi ang mga ito mula sa pagkuha ng ayuda sa bayan […]

Sino si Ka Joma?
December 31, 2022 |

  • Ipinanganak noong Pebrero 8, 1939 sa Cabugao, Ilocos Sur si Jose Maria Canlas Sison. Mula siya sa uring panginoong maylupa sa angkan ng mga Sison sa Ilocos at Canlas sa Mexico, Pampanga • Makata at makabayang guro. Lumikha sa mga tulang The guerilla is like a poet, I am always with you, at […]

Panunupil, panlilinlang at kampanyang saywar ng AFP sa katapusan ng taon
December 31, 2022 |

Bilang paghahabol na kamtin ang itinakda nitong target na malipol ang NPA ngayong Disyembre, paulit-ulit ang deklarasyon ng AFP na “nagtatagumpay” ang kontrarebolusyonaryong gerang inihahasik sa bayan. Kasabay nito ang higit na pagpapaigting ng kampanyang panunupil sa buong bansa at rehiyong Timog Katagalugan. Pang-aaresto. Noong Disyembre 23, iligal na inaresto ng mga pulis si Melanie […]

Mga estudyante ng UPLB, nagprotesta laban sa NCSTP at ROTC
December 31, 2022 |

Nagprotesta ang mga kabataang estudyante ng University of the Philippines Los Baños noong Disyembre 16 sa paglusot sa ikatlong pagbasa ng House Bill No. 6687 o National Citizen Service Training Program (NCSTP) Act sa Kamara. Kinundena nila ang pagiging anti-estudyante ng panukalang batas at tinutulan ang mga idadagdag na singil sa matrikula kapag naipatupad ito. […]

Protesta laban sa mina, isinagawa sa Batasang Panlalawigan ng Oriental Mindoro
December 31, 2022 |

Nagprotesta ang mga Mindoreño sa pangunguna ng Koalisyong Sagip Mindoro sa Batasang Panlalawigan noong Disyembre 6 upang kundenahin ang pagpapasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Ordinance No. 145-2022 na nagpapahintulot sa pagmimina ng volcanic rock float (armour rocks) sa Oriental Mindoro. Nilagdaan ang ordinansa ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor noong Disyembre 2. Sinuportahan […]