Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

 

Ibasura ang MIF. Noong Mayo 31, tinugunan ng protesta ng mga progresibong grupo, sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan ang pagraratsada ng Maharlika Investment Fund sa senado. Isinagawa nila ang protesta sa harap ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Maynila para tutulan ang paggamit ng pinaghirapang pensyon at kontribusyon ng mga manggagawa at kawani sa maanomalyang MIF.

Takdang welga sa Paperland. Naghapag ng notice of strike (NoS) ang mga manggagawa ng Paperland Inc noong Mayo 26 matapos ma-deadlock ang negosasyon para sa collective bargaining agreement (CBA) nito para sa taong 2022-2025. Nagpasyang magwelga ang mga manggagawa matapos tanggihan ng maneydsment ang lahat ng hinihinging dagdag na probisyon sa ekonomya at pulitika sa binubuong CBA.

Laban sa kwari sa Silay. Nagpiket ang mga magsasaka ng Silay City noong Mayo 19 sa harap ng Provincial Environment Management Office (PEMO) sa Bacolod City para ipanawagan ang pagpapahinto sa mga operasyong kwari sa kanilang syudad. Nakipagdayalogo rin sila sa mga upisyal ng PEMO na nangakong bibisita at iimbestigahan nito ang kwari.

Ungka, imbestigahan. Nagpiket noong Mayo 24 sa harap ng Ungka Flyover ang iba’t ibang progresibong grupo sa pangunguna ng Bayan-Panay kasama ang mga manggagawa, sektor ng transportasyon, mga taong simbahan, at mga propesyunal upang ipanawagan ang imbestigasyon at pagpapanagot sa likod ng palpak at maanomalyang konstruksyon ng kalsada.

Mga protesta