2 armadong aksyon, inilunsad ng BHB-Abra


INILUNSAD NG MGA yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dalawang armadong aksyon sa bayan ng Sallapadan, Abra noong huling linggo ng Hunyo. Ang pag-atake ay laban sa nag-ooperasyong tropa ng 24th at 102nd IB sa naturang bayan.
Unang inatake ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong yunit ng 24th IB sa Sityo Mangmangga, Barangay Naguilian noong Hunyo 26. Isang sundalo ang napatay sa naturang opensiba. Sinundan ito ng pagharas ng BHB-Abra sa tropa ng 102nd IB sa Barangay Bazar noong Hunyo 28. Dalawang sundalo ang nasugatan sa opensiba.
Sa Negros Occidental, pinaralisa ng BHB-South Central Negros noong Hunyo 14 ang dalawang backhoe sa Sityo Bulod, Barangay Carabalan, Himamaylan City. Ginagamit ang naturang mga backhoe sa konstruksyon ng Himamaylan-Tayasan Road na magbibigay-daan sa malalaking kumpanyang mina na gustong pumasok sa kabundukan ng Cansermon, Tahod-Ilahas, Cambantog at kalapit na mga lugar.
Ang dalawang backhoe na pag-aari ng ESJ construction firm ng mga Javelosa at mga Gensulin ay nagkakahalaga ng ₱7.5 milyon. Walang nasaktan na trabahador ng kumpanya sa operasyong ito.