Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

 

Martsa kontra Ahunan dam. Nagmartsa ang mga residente ng Pakil, Laguna sa sentro ng bayan noong Hulyo 1 para ipabatid ang kanilang pagtutol sa mga proyektong Ahunan at Belisama Hydropower sa kanilang bayan. Itatayo ang Ahunan Dam sa Bundok Ping-as, na matatagpuan sa naturang bayan. Ang pagkilos ay kasunod ng porum at konsultasyon sa parehong araw na pinangunahan ng Mamamayang Nagmamahal sa Pakil (Manapak).

Reklamasyon sa Bacolod City, labanan. Naglunsad ng protesta sa karagatan ang mga mangingisda at maralitang tutol sa nakatakdang 1,018-ektaryang proyektong reklamasyon sa Bacolod City noong Hunyo 25. Nakiisa sa pagkilos ang mga residente ng barangay ng Banago at Punta Taytay, mga apektadong komunidad ng mapangwasak na reklamasyon. Dala ng mga mangingisda at residente ang kanilang mga panawagan sakay ng dalawang pump boat at 13 bangkang de motor.

Protesta sa mga ospital. Magkakasunod na protesta at pangangalampag ang inilunsad ng mga unyon ng mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa limang ospital sa Metro Manila noong Hunyo 23 at Hunyo 27. Inilunsad ang mga protesta kaugnay ng nalalapit na isang taon sa poder ng rehimeng Marcos at ikalawang state of the nation address nito. Panawagan nila ang dagdag-sahod, kagyat na mga benepisyo at dagdag-badyet sa pampulikong kalusugan.

Mga protesta