Balita

Hustisya, patuloy na panawagan para sa napatay ng 62nd IB na 6-anyos na bata

,

Halos isang buwan makalipas, nagpapatuloy ang panawagan para sa hustisya sa pagkamatay ng 6-taong gulang na batang lalaki ng pamilya Gelacio sa Sityo Inangaw, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental. Ang bata ay tinamaan sa walang patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 62nd IB sa Sityo Inangaw noong Oktubre 28.

Ang pagpapaulan ng bala ng 62nd IB sa komunidad ay ganti sa kontra-atake ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) sa araw na iyon. Ayon sa BHB-Central Negros, tatlong sundalo ng 62nd IB ang napatay sa kontra-atake laban sa nag-ooperasyong militar kung kaya naghuramentado ang mga ito.

“Walang katotohanan ang pinagsasasabi ng militar na ang bala ng mga Pulang mndirigma ang tumama sa naturang bata,” pahayag ni Ka JB Regalado, tagapagsalita ng BHB-Central Negros. Dagdag niya, mahigpit ang pagtalima ng BHB sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at internasyunal na makataong batas.

AB: Hustisya, patuloy na panawagan para sa napatay ng 62nd IB na 6-anyos na bata