Balita

Maanomalyang paggamit sa P154.2-milyong pondo ng PCSO

Nalantad sa ulat ng Comission on Audit ngayong ang maanomalyang paglalabas ng P154.2-milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa People’s Television Network Inc. (PTNI) noong 2020. Ang naturang pondo ay para umano sa pag-ere at produksyon ng PCSO Lottery Draw mula Enero 2019 hanggang Marso 2020.

Napag-alaman na walang anumang pormal kontrata na pinirmahan ang PCSO at PTNI sa pagpasok sa kasunduang ito dahil noon pang Disyembre 2018 napaso ang pinakahuling kontrata sa pagitan ng dalawang ahensya. Dahil walang kontrata, walang nailatag na malinaw at konkretong mga termino at kundisyon na kinakailangang tupdin ng parehong ahensya na maaaring gamitin para tasahin ang pagsasakatuparan nito. Sa gayon, hindi malabong batbat din ng mga iregularidad at korapsyon ang programang ito.

Mula Enero 2019 hanggang Pebrero 2020, naghulog ang PCSO ng buwanang bayad na P10.7 milyon sa PTNI o katumbas ng kabuuang P149.8 milyon para sa 14 na buwan, at karagdagang P4.4 milyon mula Marso 1 at Marso 17, 2020.

AB: Maanomalyang paggamit sa P154.2-milyong pondo ng PCSO