Operasyong harasment, inilunsad ng BHB-Agusan del Sur
![](https://philippinerevolution.nu/wp-content/themes/prwc/images/ablogo.png)
July 09, 2023
![]( https://philippinerevolution.nu/wp-content/uploads/2021/11/negros_to-1024x502.jpg )
Isang sundalo ng 41st Division Reconnaissance Company ng Philippine Army ang napatay habang isa ang nasugatan sa operasyong harasment ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Sur sa Barangay Das-agan, San Francisco, Agusan del Sur noong Hunyo 27. Ayon sa ulat ng BHB, nag-ooperasyon ang naturang tropa ng sundalo sa lugar bandang alas-4:30 ng hapon nang paputukan ng mga Pulang mandirigma.
Inilulunsad ng mga sundalo ang focus military operation sa lugar bilang paghahanda sa kanilang planong magtayo ng detatsment sa naturang barangay.
AB: Operasyong harasment, inilunsad ng BHB-Agusan del Sur