Archive of AB Dailies

Lokal na produksyon ng bakuna, itinutulak
April 14, 2021

Balita kahapon ang pagtatayo ng lokal na pasilidad at pabrika para sa produksyon ng bakuna sa loob ng dating base militar ng US sa Clark Airbase sa Pampanga ng isang lokal na distribyutor ng mga bakuna. Pangungunahan ng Glovax Biotech ang pagtatayo ng pasilidad, katuwang ang mga kumpanyang South Korean na Eubiologics at LG Chem. […]

LAYAS MILITAR: Face-to-face na klase ipinagbabawal pero face-to-face na mga AFP seminar sa mga kampus para sa red-tagging, tuluy na tuloy
April 12, 2021

Noong Abril 6, isinagawa ng 403rd Ibde, 88th IB, kasama ang National Intelligence Coordinating Agency ng Region 10 ang face-to-face na “AFP porum” na tinaguriang “information awareness campaign” kaugnay diumano sa “campus infiltration’ ng CPP-NPA sa isang kulob na benyu sa loob kampus ng Central Mindanao University (CMU) sa Maramang, Bukidnon. Inobliga ng militar na […]

Supertubo ng Puregold, lumaki sa gitna ng pandemya
April 12, 2021

Balita ngayon ang pagkakabilang ng burges kumprador na si Lucio Co bilang ika-10 sa listahan ng pinakamayayamang indibidwal sa bansa na inilabas ng Forbes noong nakaraang linggo. Sa nakalipas na taon, nakapagtala si Co ng netong yaman na $1.7 bilyon (P81.6 sa palitang $1=P48). Si Co ang nagmamay-ari sa kumpanyang Puregold Price Club Inc. na […]

Abril 12 |Ano ang napala sa 2-linggong pinahigpit na lockdown sa NCR+?
April 11, 2021

“Ibinaba” na kahapon ng rehimeng Duterte ang antas ng lockdown sa “modified enhanced community quarantine” matapos ang 2-linggong mas mahigpit na lockdown sa Metro Manila at apat na karatig prubinsya ng Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan. Ito ay kahit hindi naman bumababa ang arawang bilang ng mga nahahawa, at tumataas pa nga ang arawang bilang […]

Mas matapang pa ang mga mamamahayag at mangingisdang naglakas-loob na imbestigahan ang presensya ng militar ng China sa karagatan ng Pilipinas
April 10, 2021

Imbes na ipagtanggol, animo’y pinagalitan pa ng Armed Forces of the Philippines si Chiara Sembrano, mamamahayag ng ABS-CBN, matapos siyang maglakas-loob na imbestigahan ang presensya ng militar ng China sa West Philippine Sea. Sa balita ni Sembrano, sinalubong at binantaan sila ng Chinese coast guard nang pumalaot siya at ang kanyang tim, akay sa isang […]

Sariling mando kaugnay sa pang-aaresto at detensyon ng mga “lumalabag sa lockdown,” binaliktad ng Department of Justice matapos ang isang taon
April 10, 2021

Matapos ang lampas isang taong walang pakundangang pang-aaresto, iligal na detensyon, pagtortyur at maging pagpatay ng mga pulis sa mga “lockdown violator,” sinasabi ngayon ni Justice Secretary Menardo Guevara na walang legal na batayan ang lahat ng mga ito. “Nakakagalit at nakapanlulumo” ang paglalarawan ni Atty. dre Olalia, tagapangulo ng National Union of Progressive Lawyers […]

Global food prices continue to rise
April 09, 2021

Global food prices — particularly of butter, milk and meat — continuously rose for the past ten months in March, according to the United Nations Food and Agriculture Organization last April 8. The increase is due to a steady decline in production along with the burden of transportation restrictions that has remained for more than […]

Pandaigdigang presyo ng mga pagkain, tuluy-tuloy pa ring tumataas
April 09, 2021

Tuluy-tuloy na tumaas sa nakaraang 10 buwan ang pandaigdigang presyo ng mga pagkain noong Marso, ayon sa Food and Agriculture Organization ng United Nations noong Abril 8. Pinangungunahan ito ng mantika, gatas at karne. Ang pagtaas ay dahil sa patuloy na pagbaba ng produksyon, kakumbina ng mga restriksyon sa transportasyon na nananatiling nakapataw, mahigit isang […]

NTF-ELCAC aims at Senate employees as its latest target
April 08, 2021

The Duterte regime’s latest target of state repression are members of the union Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon or SENADO. The director-general of the National Intelligence Coordinating Agency himself, in tune with the NTF-ELCAC, maliciously linked the union to the armed movement, making its members targets of threats and attacks. […]

Mga empleyado ng Senado, pinakabagong target ng NTF-ELCAC
April 08, 2021

Pinakabagong target ng panggigipit ng rehimeng Duterte ang mga empleyado ng Senado na myembro ng unyon dito, ang Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO). ismong ang director-general ng National Intelligence Coordinating Agency, kakoro ng NTF-ELCAC, ang malisyosong nag-ugnay sa unyon sa armadong rebolusyon para gawing target ng pambabanta at pang-aatake […]