Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Nakakulong na mamamahayag sa Tacloban City, binisita ng NUJP-Leyte
December 28, 2023

Binisita ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP)-Leyte ang nakakulong na si Frenchie Mae Cumpio, mamamahayag ng alternatibong midya na Eastern Vista, noong Disyembre 27 sa Tacloban City Jail Female Dormitory. Bukod sa suportang moral at panawagang palayain si Cumpio, naghatid din ng pamasko o suportang materyal ang NUJP-Leyte sa kanya. Liban kay […]

5 nabuwal na Pulang mandirigma ng BHB-Batangas, pinarangalan
December 28, 2023

Kinilala at pinarangalan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Batangas ang limang nabuwal na mandirigma sa pag-atake ng 59th IB noong Disyembre 17 sa Barangay Malalay, Balayan. Namartir sa naturang pag-atake sina Maria Jetruth Jolongbayan (Ka Orya), Alyssa Lemoncito (Ka Ilaya), Precious Alyssa Anacta (Ka Komi), Joy Mercado (Ka Kyrie), at Leonardo Manahan (Ka Mendel). Binigyang-pugay din […]

2 sibilyan, napatay ng 59th IB sa Batangas
December 28, 2023

Napatay ng pasistang mga sundalo ng 59th IB ang mga sibilyang sina Pretty Sheine Anacta, 19, at si Rose Jane Agda, 30, sa walang habas na pamamaril nito sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas noong Disyembre 17 nang madaling araw. Dumadalaw ang dalawa sa kanilang kaanak na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nang paslangin. […]

Sugatang Pulang mandirigma ng BHB-Batangas, ipinanawagang ilitaw
December 28, 2023

Higit 10 araw na ang nakalilipas, hindi pa rin inililitaw ng 59th IB ang sugatang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Batangas na si Baby Jane Orbe (Ka Binhi). Naiulat na nasugatan si Orbe sa pag-atake ng 59th IB sa Barangay Malala, Balayan, Batangas noong Disyembre 17. Wala sa katayuang lumaban ang sugatang si Orbe. […]

Kabataang magsasaka, dinukot ng 62nd IB sa Negros Occidental
December 27, 2023

Dalawang araw bago ang Pasko, walang renda sa paghahasik ng terorismo ang 62nd IB sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental. Dinukot ng tropa ng 62nd IB ang kabataang masasaka na si Allan Paul Rayna mula sa bahay ng kanyang pamilya noong Disyembre 23 sa Sityo Tayubong, Barangay Puso. Hindi pa siya natatagpuan hanggang sa […]

Sibilyang may kapansanan sa pag-iisip, pinatay ng 31st DRC sa Iloilo
December 27, 2023

Pinatay ng uhaw sa dugong mga pasista ng 31st Division Reconnaissance Company (DRC) ang may kapansanan sa pag-iisip na sibilyang si Bombik Bajoyo noong Disyembre 10 sa Sitio Tagbakan 1, Barangay Jayubo, Lambunao, Iloilo. Pinalalabas ng mga pasista na myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay si Bajoyo at na napatay siya sa isang engkwentro. […]

12th IB at 82nd IB, nabigwasan sa 2 engkwentro sa BHB-Central Panay
December 27, 2023

Tatlong pasistang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay habang tatlong iba pa ang nasugatan sa dalawang engkwentro ng mga yunit nito laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay (Jose Percival Estocada Jr. Command) noong Disyembre 9 at 10 sa Iloilo. Itinanggi at itinago ng mga pasista ang kanilang mga kaswalti sa […]

Pagtatayo ng Cabacanan Dam sa Ilocos Norte, tinututulan
December 27, 2023

Nagpahayag ng matinding pagtutol ang Isnag Yapayao Balangon Tribal Council Inc (IYBTC) at Isnag Yapayao Ugayam Tribal Council (IYUTC) sa planong pagtatayo ng ₱800-milyong Cabacanan Small Reservoir Irrigation Project (CSRIP) sa kabundukan ng Barangay Saguigui, Pagudpud, Ilocos Norte. Nakatakdang magtayo ng malaking dam para sa proyekto sa naturang barangay at katabing Barangay Dampig na sakop […]

Mga tsuper sa Davao, nagtigil-pasada laban jeepney phaseout at BRT-Davao
December 27, 2023

Nagtigil-pasada ngayong araw, Disyembre 27, ang mga tsuper sa Davao City sa ilalim ng grupong Transmission-Piston. Ayon sa mga ulat, naparalisa nang 90% ang ruta ng Matina Aplaya at Matina Crossing kaninang alas-7 ng umaga. Nasa 80% naman ang natigil sa transportasyon sa ruta ng Toril. Bahagi ang tigil-pasada sa Davao ng serye ng mga […]

Pamaskong-handog ng DOLE sa mga manggagawa: walang taas-sahod sa susunod na taon
December 27, 2023

Pinakamalamang na walang taas-sahod sa susunod na taon, deklara ng kalihim ng Department of Labor and Employment na si Bienvenido Laguesma noong araw mismo ng Pasko. Aniya, ito ay para “mag-sink in” o “lubos na maramdaman” ng mga manggagawa ang dagdag-sahod na ipinatupad ng iba’t ibang regional wage board ngayon taon. Bahagya niya itong binawi […]