Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga pautang para sa mapangwasak na mga proyekto ng rehimeng Marcos, itinutulak ng ADB
November 21, 2023

Itinutulak ng imperyalistang institusyong Asian Development Bank (ADB) na mangutang ang Pilipinas nang hanggang $20 bilyon (₱1.1 trilyon sa palitang ₱55=$1) sa susunod na limang taon para sa mga mapangwasak at anti-mamamayang proyektong pang-imprastruktura ng rehimeng Marcos. Ipipinal ng ADB ang mga proyektong popondohan nito sa 2024, oras na mabuo ang 5-taong “country partnership strategy” […]

Kabataang Makabayan-Balangay Armando Mendoza, muling itinatag at pinalalakas
November 20, 2023

Muling pinalalakas ng Kabataang Makabayan (KM) ang balangay nito na Armado Mendoza, ayon sa pahayag nito ngayong araw, Nobyembre 20. Nagtipon ang mga kasapi ng KM noong Oktubre 10 para muli itong itatag. “Sa panahon na walang pagkukubli ang mga reaksyunaryo sa kanilang mga kasalanan at labis-labis na pagpapahirap sa sambayanang Pilipino, nananatiling ang sagot […]

Daan-daang estudyante, nag-walk out sa Cebu
November 20, 2023

Higit tatlong daang kabataan at estudyante ang lumahok sa walk-out sa mga pamantasan sa Cebu City ngayong araw, Nobyembre 20, para ipaglaban ang karapatan sa edukasyon at tuligsain ang walang tigil na panunupil ng mga pwersa ng estado. Mula sa kani-kanilang pamantasan, nagtipon at nagmartsa ang mga kabataan tungong Fuente Osmeña Circle. Nakiisa ang mga […]

2 organisador sa Batangas, magkasunod na dinukot ng mga pwersa ng estado
November 20, 2023

Iniulat ngayong araw ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Batangan ang dalawang kaso ng pagdukot ng mga pwersa ng estado sa mga organisador sa Batangas. Ang mga biktima ay dagdag sa hindi bababa sa 11 biktima ng sapilitang pagkawala o desaparecidos ayon sa tala ng Karapatan. Dinukot ng mga elemento ng estado si Karla Mae […]

400 kabataan, nagtipon sa pandaigdigang kumperensya
November 19, 2023

Nagtipun-tipon sa Paris, France ang 400 lider-kabataan mula sa 95 organisasyon sa 49 bansa sa kauna-unahang Pandaigdigang Kumperensya ng Kabataan noong unang linggo ng Nobyembre. Layon ng pagtitipong inorganisa ng Youth Writing History ang palakasin ang internasyunal na pagkakaisa sa hanay ng kabataan para isulong ang pandaigdigang anti-imperyalistang kampanya at pakikibaka para sa alternatibong kaayusang […]

Mandirigma ng BHB-Sultan Kudarat, sadyang pinatay ng 37th IB
November 19, 2023

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ang sadyang pagpatay ng 37th IB sa nadakip nitong mandirigma ng BHB na si Rafael Zambrano (Ka Dodong/Tres), 27 anyos, residente ng Sityo Surong, Barangay Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat noong Oktubre. Sa ulat ng mga residente, ipinailalim siya sa tortyur at pinilit na maggiya bago paslangin sa isang […]

Mga mandirigma ng BHB-Mindoro, dinakip at sadyang pinatay ng 76th IB
November 19, 2023

Dinakip at sadyang pinatay ng mga berdugong sundalo ng 76th IB ang dalawang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro na sina Jethro Isaac Ferrer (Ka Pascual) at Peter Rivera (Ka Rochie) sa Barangay Buong Lupa, Gloria, Oriental Mindoro noong Nobyembre 13. Kasabay na dinakip ang mandirigmang si Ka Jasel na hindi pa inililitaw hanggang ngayon. […]

#MarcosNoHero: Ika-7 taon ng pataksil na paglilibing sa diktador sa libingan ng bayani, ginunita
November 19, 2023

Nagtipon kahapon, Nobyembre 18, ang mga beterano ng pakikibakang kontra-diktadura, sa Bantayog ng mga Bayani para gunitain ang pataksil na paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr, sa atas ng noo’y pangulong si Rodrigo Duterte, sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) noong 2016. Giit ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) […]

Koordinadong protesta para sa karapataan at kalayaan, inilunsad ng mga estudyante
November 18, 2023

Naglunsad ng koordinadong pagkilos ang mga kabataan at estudyante sa 16 na sentro ng protesta sa bansa noong Nobyembre 17 para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Estudyante. Tampok ang pagkilos ng mga estudyante sa University of the Philippines (Diliman, Manila, Los Baños, Tacloban, Iloilo at Mindanao), Polytechnic University of the Philippines, Ateneo de Manila […]

Pagpupulong ng APEC sa US, pagdalo ni Marcos, binatikos
November 18, 2023

Sunud-sunod na protesta ang inilunsad ng iba’t ibang organisasyon sa pangunguna ng No to APEC Coalition at iba pang mga alyansa sa San Francisco, California, sa United States para batikusin ang inilunsad na pagpupulong dito ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na dinaluhan ng mga lider mula sa iba’t ibang bansa. Isinagawa ang mga pagkilos […]