Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Protestang kontra IMF-World bank, inilunsad
October 09, 2023

Nagprotesta ang mga progresibong organisasyon sa Department of Finance (DoF) sa Maynila ngayong araw para batikusin ang pagbubukas ng taunang pulong ng International Monetary Fund-World Bank (IMF-WB) sa Marrakech, Morocco mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 15. Pinangunahan ang pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at International League of Peoples’ Struggle sa DoF, na anito’y “satellite” […]

Organisador ng magsasaka sa Southern Tagalog, nakalaya matapos ang 2 taon
October 09, 2023

Nakalaya noong Oktubre 6 si Danah Marie Marcellana, istap ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), matapos makapagpyansa sa gawa-gawang kasong rebelyon na isinampa sa kanya ng militar. Pinararatangan siya ng militar na imbwelto sa isang insidente noong 2008, noong siya’y 12 anyos pa lamang. Si Marcellana ay inaresto noong Hulyo 2021 […]

4 na sundalo ng 84th IB, napatay sa engkwentro sa Nueva Ecija
October 09, 2023

Hindi bababa sa apat na sundalo ng 84th IB ang napatay sa Barangay San Fernando Sur, sa bayan ng Laur, Nueva Ecija noong Oktubre 8 ng hapon nang makasagupa ng mga ito ang isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Nueva Ecija. Marami pa ang nasugatan sa hanay ng pasistang tropa, ayon sa BHB. Ilang araw […]

Mga rebolusyonaryong Pilipino, suporta sa kumprehensibong armadong opensiba ng mga Palestino
October 08, 2023

Nagpahayag ng suporta ang Partido Komunista ng Pilipinas sa mapangahas na armadong aksyon na isinagawa ng mamamayang Palestino simula umaga noong Oktubre 7 na gumulantang sa mananakop na Israel at nagtaboy sa kanila sa mga okupadong teritoryo na kanugnog ng Gaza. Bilang ganti, nagpakawala ang Israel ng malalakas na misayl sa Gaza na direktang tumarget […]

Labi ng organisador ng kilusang paggawa na pinatay sa Rizal, nabawi na
October 08, 2023

Nabawi na ng pamilya at mga kasapi ng mga progresibong organisasyon, ang labi ni Jude Thaddeus Fernandez, organisador at lider ng kilusang paggawa, kahapon, Oktubre 7. Mahigit isang linggong tumanggi ang mga pwersa ng estado na ibigay sa pamilya ang bangkay. Nabawi ang kanyang labi sa gitna ng mga protesta ng iba’t ibang grupo ng […]

Mga upisina ng demokratikong organisasyon sa India, nireyd ng mga pwersa ng estado
October 07, 2023

Nireyd ng mga operatiba ng National Investigation Agency (NIA) ng gubyerno ng India ang mga upisina ng iba’t ibang demokratiko at maka-mamamayang organisasyon sa Andhra Pradesh at Telangana noong Oktubre 2. Sa ulat ng Forum Against Corporatization And Militarization (FACAM), hindi bababa sa 12 organisasyon ang inatake ng mga pwersa ng estado. Kabilang sa mga […]

Inarestong drag artist, nakalaya na
October 07, 2023

Nakalaya ngayong araw ang drag artist na si Pura Luka Vega (Amadeus Fernando Pagente) matapos magpyansa sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Article 201 of the Revised Penal Code. Kinasuhan siya matapos ang umano’y pambabastos sa relihiyon sa isa niyang pagtatanghal. Binatikos ng mga grupo ng LGBTQ+ at artista ang […]

Pribadong gwardya ng nangangamkam ng lupa sa Bulacan, nanutok ng baril
October 07, 2023

Tinutukan ng mga armadong gwardya ang mga residente sa Purok 2, Barangay Kaybanban, San Jose Del Monte City sa Bulacan kahapon, Oktubre 6 na tumututol sa ginawang pagbabakod sa lupa ng mga magsasaka sa lugar. Kinumpronta ng mga tao ang mga gwardya na nagbabakod sa lupang inaangkin ng isang nagngangalang Evelyn Garcia. Ang naturang lupa […]

Mga magsasaka ng Hacienda Tinang, nagpiket sa upisina ng Ombudsman
October 06, 2023

Nagpiket sa upisina ng Ombudsman sa Quezon City noong Oktubre 4 ang mga magsasakang kasapi ng Malayang Kilusang Samahan ng Magsasaka ng Tinang (Makisama-Tinang) mula sa Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac. Kasabay ito ng paghahain nila ng motion for reconsideration sa pagbasura ng Ombudsman sa mga kriminal at administratibong kaso laban sa mga pulis ng Concepcion […]

Piket-dayalogo, inilunsad ng mga magbubukid sa Antipolo City
October 06, 2023

Nagpiket ang mga magsasaka ng Sityo Nagpatong, Barangay San Jose, Antipolo City kasabay ng pakikipagdayalogo ng mga lider nito sa alkalde ng syudad noong Oktubre 4. Inihapag nila, sa pamamagitan ng Pagkakaisa at Bukluran ng mga Magsasaka sa Nagpatong Inc, ang kanilang pagtutol sa pangangamkam ng lupa ng pamilyang Gatlabayan sa Sityo Nagpatong. Matatandaang inilunsad […]