Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Importasyon ng bigas, di magpapababa ng presyo
August 16, 2023

Tulad sa nakaraan, hindi ibababa ng importasyon ang presyo ng bigas sa Pilipinas. “Sa apat na taon ng Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law, bigo itong mapababa ang presyo ng bigas sa ₱25 kada kilo,” ayon sa grupong Bantay Bigas. “Lalong malayo ang ipinangako ni Marcos Jr. na ₱20 kada kilo.” Katunayan, tumaas nang […]

Hedkwaters ng 2nd IB sa Masbate, pinaalis ng mga residente
August 16, 2023

Pinalayas ng mga residente ng Sityo Baclay, Barangay Bacolod, Milagros sa Masbate ang himpilan ng mga sundalo ng 2nd IB na nakatayo sa naturang sityo matapos magreklamo ang mga residente laban dito. Ipinaabot nila ang kanilang disgusto sa pamamagitan ng pagtitipon para ipetisyon ang pagpapalayas sa kampo militar. Anila, wala itong idinulot sa kanila kundi […]

4 na malalaking unyon, nakawelga sa Los Angeles City sa US
August 15, 2023

Apat na malalaking unyon ang nakawelga sa Los Angeles City, California sa US nitong Agosto. Pinakahuling nagtirik ng welga noong Agosto 8 ang unyong kumakatawan sa mga kawani ng syudad na kasalukuyang nakikipagnegosasyon para sa bagong CBA (collective bargaining agreement). Kasapi ng unyon na ito ang mga manggagawa sa sanitasyon, traffic enforcer, gardener, mekaniko, lifeguard, […]

Pagkakaisa ng mga magtutubo sa Batangas, pinagtibay
August 15, 2023

Higit 1,000 magtutubo, kasapi ng demokratikong organisasyon at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka ang nagtipun-tipon sa isang solidarity mission sa Barangay Calantas, Calaca City, Batangas noong Agosto 13. Ang aktibidad ay pagpapamalas ng kanilang pagkakaisa laban sa militarisasyon ng 59th IB sa kanilang mga komunidad at para igiit ang pagbibigay ng sapat na suporta […]

₱493 bilyon, nadagdag sa yaman ng mga bilyunaryong burges at burukratang Pilipino sa gitna ng papatinding kahirapan
August 15, 2023

Lalo pang nagkamal ng yaman ang mga multi-bilyunaryong Pilipino sa gitna ng pagdurusa ng mamamayan at habang bumabagal ang kabuuang ekonomya. Noong Agosto 10, isinapubliko ng magasin na Forbes ang listahan ng mga “dollar billionaire” (bilyunaryo sa halagang dolyar) ng Pilipinas para sa taong 2023. Sa listahang ito, mapapansing lumaki pa nang ₱493 bilyon ang […]

Kasong pagpatay, dapat isampa sa mga pulis na pumatay sa menor-de-edad sa Navotas
August 14, 2023

Dapat usigin at papanagutin ang mga pulis na bumaril at pumatay kay Jerhode “Jemboy” Baltazar, isang 17-anyos na lalaki, at itigil ang kawalang-pakundangang pamamaslang. Hindi dapat ituring na isang “aksidente” ang kanyang pagkapaslang, at na “normal” ang kamatayan sa mga operasyong pulis, ayon sa National Union of People’s Lawyers-National Capital Region (NUPL-NCR) sa pahayag nito […]

4 na riple, isang pistola, nasamsam ng BHB-Northern Negros
August 14, 2023

Inambus ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros ang kontra-insurhensyang yunit ng Philippine National Police (PNP) na nagpapatrolya sa Sityo Calanugan, Barangay Minapasuk, Calatrava, Negros Occidental noong Agosto 9. Nasamsam sa kanila ang apat na ripleng armas, isang .45 kalibreng pistola at mga bala. Sa ulat ng yunit ng BHB, lulan ng […]

'Palarong ROTC' sa Visayas, binatikos ng mga kabataan
August 13, 2023

Binatikos ng mga kabataan at organisasyon sa West Visayas State University (WVSU) ang inilulunsad na Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) Games ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamantasan simula ngayong araw hanggang Agosto 19. Ayon sa mga estudyante, bukod sa gagamitin ito para pabanguhin ang nakasusulasok na kasaysayan ng ROTC at AFP, aabalahin […]

Babaeng lider-magsasaka sa Isabela, hindi nagpapatinag sa 502nd IBde
August 13, 2023

Buong-tapang na tumitindig at lumalaban ang isang may-edad nang babaeng lider-magsasaka sa harap ng panggigipit sa kanya at kapwa niyang magsasaka sa prubinsya ng Isabela. Sinugod ng apat na sundalo ng 502nd IBde ang bahay ni Ka Reolita Rivera, lider magsasaka, sa bayan ng Angadanan noong Agosto 8. Ayon sa mga ulat, isinailalim si Rivera […]

Kampanya laban sa gutom at sakit sa Negros, inilunsad
August 13, 2023

Nagsama-sama ang mga manggagawang pangkalusugan at iba pang tagapagtaguyod ng mga karapatan pangkalusugan noong Agosto 12 sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City para ilunsad ang “Lugawan Para sa Negros.” Sa ilalim ng Justice for Negros: Campaign against Hunger and Disease, inilunsad ito para bigyan-pansin ang malalang kalagayan ng kalusugan ng mga bata sa isla. […]