Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Alok na amnestiya ni Marcos Jr, tinanggihan ng BHB sa Southern Tagalog
July 29, 2023

Tahasang binalewala at tinanggihan ng panrehiyong kumand ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Southern Tagalog and alok na amnestiya ni Ferdinand Marcos Jr na inilatag niya sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24. Ayon sa yunit, “Walang kasapi ng BHB-ST na tatanggap sa alok na amnestiya at titigil sa pagrerebolusyon.” Giit […]

Marcos holds peace in contempt
July 28, 2023

Throughout its first year in office, the US-Marcos Jr regime has made clear its blatant contempt for peace negotiations with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP). According to a special report published by Ang Bayan last July 24, the regime killed five NDFP peace consultants, forcibly disappeared one and illegally detained two others […]

Libu-libo, naprotesta sa ikalawang SONA ni Marcos Jr
July 28, 2023

Nagprotesta sa lansangan ang humigit-kumulang 12,000 sa buong bansa para batikusin ang rehimeng Marcos Jr sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 24. Taun-taong inilulunsad ng mga progresibong organisasyon, sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ang tinatawag nitong “SONA ng Bayan” para ilahad ang tunay na kalagayan ng sambayanang Pilipino sa […]

Sugatang Pulang mandirigma, isa pang sibilyan, pinaslang ng 62nd IB
July 28, 2023

Labag sa internasyunal na makataong batas at mga alituntunin sa makatao at sibilisadong digma, walang-awang pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB ang sugatang Pulang mandirigma na si Marvic Ebarle (Ka Bryan), at sibilyang si Romy Catasio sa Sityo Balunggay, Barangay Montilla, Moises Padilla, Negros Occidental noong Hulyo 20. Pinasinungalingan ni Ka JB Regalado, tagapagsalita […]

Mga Moro, nanawagang pauwiin na sila sa Marawi City
July 28, 2023

Taliwas sa ipinagmayabang ni Ferdinand Marcos Jr na “bumabangon na ang Marawi” sa kanyang State of the Nation Address, maraming residente ang hindi pa rin pinapayagang makabalik sa lugar. Dapat payagan na ang mga residente ng Marawi na makauwi nang walang sagabal sa syudad, ayon kay Drieza Lininding, pangulo ng Moro Consensus Group. Matapos ang […]

Aktibistang pamilyang de la Cerna, nakalaya matapos magpyansa
July 28, 2023

Nakalaya ngayong araw, Hulyo 28, ang pamilyang de la Cerna matapos ang lampas tatlong taong di makatarungang detensyon matapos magpyansa ng P600,000. Nakalaya sina Karina de la Cerna, at ang kanyang mga magulang na Albert at Ma. Pilar Dela Cerna, isang pamilyang organisador ng mga magsasaka sa Negros. Ang pamilya ay inaresto sa Bacolod City […]

Kaso laban kay Nasino at 2 pa, tuluyan nang ibinasura
July 28, 2023

Ibinasura ng korte sa Maynila ang gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives ang kaso laban kay Reina Mae Nasino, Ram Bautista at Alma Moran, kilala bilang Tondo 3. Sa gayon, hinatulan silang hindi nagkasala sa lahat ng mga akusasyon sa kanila. Ang desisyon ay sinulat noong Hulyo 17 at isinapubliko kahapon, Hulyo 27. […]

Ikalawang kongreso ng Christians for National Liberation-Negros, inilunsad
July 27, 2023

Nagtipun-tipon ang mga rebolusyonaryong lider ng simbahan, mga pari, pastor, mga relihiyosong lalaki at babae at mga laykong taong-simbahan sa isla ng Negros kamakailan para sa ikalawang kongreso ng Christians for National Liberation (CNL)-Negros. Binuo ng kongreso ang taktikal na plano ng CNL sa rehiyon at naghalal ng panrehiyong konseho at mga upisyal. Inihalal ng […]

Close to 100,000 Filipino fall victim to human rights violations in Marcos first year
July 27, 2023

Marcos closed his first year in office with almost 100,000 victims of human rights violations, ranging from extrajudicial killings to threats and intimidation. This was the content of Ang Bayan’s Special Report, published on the CPP website last July 24, the same day that Ferdinand Marcos Jr delivered his second State of the Nation Address. […]

Mga detenidong pulitikal sa Negros at Metro Manila, nag-ayuno bilang protesta kasabay ng SONA ni Marcos Jr
July 26, 2023

Mahigit 100 detenidong pulitikal sa isla ng Negros at 29 sa Bicutan sa Metro Manila ang naglunsad ng 24-oras na pag-ayuno bilang protesta sa SONA ni Ferdinand Marcos Jr. Sa tinaguriang protestang 24/24, iginiit nila ang pagtigil sa ekstra-hudisyal na mga pamamaslang ng militar at iba pang pwersa ng estado sa mga aktibista at sibilyan […]