Archive of AB Dailies

Pesteng militar, pinalayas ng masa sa isang paaralan sa Abra
February 23, 2023

Sama-samang kumilos noong Martes, Pebrero 21, ang mga magulang at guro ng Mataragan National Agricultural School sa Barangay Mataragan, Malibcong, Abra laban sa mga sundalong nagkakampo sa loob mismo ng paaralan, dahil sa banta ng mga ito sa seguridad ng mga bata. Matagumpay nilang napalayas ang mga sundalo. Reklamo ng mga residente na lagi’t-laging naiistorbo […]

4 na batalyong itinambak sa Samar, magpapalala sa paglabag sa karapatang-tao
February 23, 2023

Apat na batalyon ang itinambak ng Armed Forces of the Philippines sa Eastern Visayas sa pagitan ng Disyembre 2022 at Pebrero para “gapiin” ang “natitirang apat na aktibong larangang gerilya” sa hilagang bahagi ng Samar. Tiyak na patitindihin ng mga ito ang pamamaslang, pang-aaresto, pambabanta at pwersahang pagpapasurender sa mga komunidad ng magsasaka sa rehiyon. […]

Presensyang militar ng US sa Pilipinas, maaring magpasiklab ng gerang nukleyar
February 22, 2023

Sa pamamagitan ng presensya ng tropa, gamit militar at nukleyar na arsenal nito sa Pilipinas, inilalagay ng US ang buong rehiyong Asia sa “bingit ng isang nukleyar na Armageddon.” Ito ang babala ni Prof. Roland Simbulan sa isang webinar na pinamagatang “Countercurrents: Foreign Policies and Anti-imperialist Struggle na inilunsad noong Pebrero 4. Si Simbulan ay […]

Pamilyang inaakusahang tumulong sa BHB sa Bukidnon, ginipit ng militar
February 21, 2023

Labag sa karapatang-tao at internasyunal na makataong batas ang ginagawang panggigipit ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang pamilya sa Sityo Gabonan, Barangay Dumalaguing, Impasug-ong, Bukidnon noong Enero 29. Pinararatangan ang pamilya na tumulong at naghatid ng suplay sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Niransak ng mga sundalo ang bahay ni […]

Magsasaka, pinatay ng militar sa Albay
February 21, 2023

Pinatay ng mga pwersa ng estado ang magsasakang si Vernon Bonggat noong Pebrero 20, sa kanyang bahay sa Barangay Tablon, Oas, Albay. Ang pagpatay sa kanya ay pinaniniwalaang ganting-salakay ng pwersa ng estado matapos ang kabiguan ng 49th IB laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Pebrero 15 sa Barangay Ramay. Ayon sa ulat, sapilitang […]

Mga kawani sa Senado, naigiit ang dagdag na alawans
February 21, 2023

Makatatanggap ng dagdag na alawans para umagapay sa implasyon ang mga kawani ng Senado ng Pilipinas matapos ianunsyo kahapon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na itataas ang kanilang alawans mula ₱12,200 tungong ₱50,000. Ayon sa unyong Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO), ang dagdag benepisyo na ito ng maliliit […]

Barikadang bayan kontra mina, itinayo sa Palawan
February 21, 2023

Nagtayo ng barikadang bayan ang mga residente ng Brooke’s Point, Palawan noong Pebrero 18 para ipatigil ang iligal at mapangwasak na mga operasyong mina ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa lugar. Ayon sa mga grupong maka-kalikasan, nag-oopereyt ang minahan kahit walang permiso mula sa lokal na gubyerno. Itinayo nila ang barikada matapos tumangging sumunod ang […]

Sa gitna ng trahedya, Syria binomba ng Israel
February 21, 2023

Binomba ng mga eroplanong Israeli ang isang mataong lugar sa katimugang bahagi ng Damascus, kabisera ng Syria, noong kalagitnaan ng gabi ng Pebrero 19. Ito ay habang lugmok ang bansa sa trahedya at abala sa pagsalba sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama dito at sa Turkey noong Pebrero 6. Ayon sa Syrian […]

Tinyente, 2 pang sundalo ng 49th IB, napatay sa aksyon ng BHB
February 20, 2023

Tatlong sundalo ng 49th IB ang napatay sa operasyong demolisyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Albay noong Pebrero 15 sa Barangay Ramay, Oas, Albay. Ang naturang yunit ng 49th IB ay nag-ooperasyon at naghahasik ng takot sa mga residente simula pa Pebrero 13. Ayon sa ulat ng BHB-Albay, pinatamaan nila ang tropa ng 49th IB matapos […]

Kumpanya at gubyernong Dutch, tinuligsa sa papel nito sa konstruksyon ng Aerotropolis
February 20, 2023

Tinuligsa ng organisasyong Global Witness ang gubyerno at dalawang kumpanyang Dutch sa pagtanggap at pagpondo nito sa isang bahagi ng proyektong Aerotropolis ng San Miguel Corporation. Sa pahayag na inilabas ng grupo noong Pebrero 2, sinabi nitong nakatakdang tumabo ng kita ang dalawang kumpanya sa isang proyektong lumalabag sa karapatang-tao at nakasisira sa kapaligiran. Ang […]