Archive of AB Dailies

Malalang paglabag sa karapatang-tao sa Myanmar, iniulat
August 08, 2022

Mula nang ipataw ng militar ng Myanmar ang batas militar, walang awat ang mga paglabag sa karapatang-tao sa mga sibilyan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Noong Agosto 8, iniulat ng mga grupo sa karapatang-tao na umabot na sa 2,158 mga aktibista kontra-martial law at iba pang sibilyan ang pinatay ng rehimeng Tatmadaw (militar) mula […]

Pagtutol sa reklamasyon, ipinarating sa bagong kalihim ng DENR
August 08, 2022

Nagmartsa ang mga grupo ng mangingisda at tagapagtaguyod ng kalikasan tungo sa upisina ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City noong Agosto 5 upang iparating ang kanilang pagtutol at panawagang pagrepaso sa planong reklamasyon sa Maynila at iba pang bahagi ng bansa. Ayon sa grupo, nais nilang tawagin ang pansin ng ahensya […]

Mga grupong anti-imperyalista, nagprotesta sa Mendiola sa pagdating ni Blinken
August 07, 2022

Nagprotesta kahapon, Agosto 6, ang mga grupong anti-imperyalista sa Mendiola, Manila kasabay ng pagpupulong ni US Secretary of State Anthony Blinken at Ferdinand Marcos Jr sa Malacañang. Dumating si Blinken sa Pilipinas noong Biyernes, Agosto 5. Nagtungo ang mga myembro ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at International League of Peoples’ Struggle (ILPS)-Philippines sa Mendiola Peace […]

Gawa-gawang mga kaso laban sa konsultant at istap ng NDFP, ibinasura
August 07, 2022

Matapos tatlong taong ibinimbin ng reaksyunaryong estado sa kulungan, posibleng makalaya na ang isang konsultant at dalawang istap ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Negotiating Panel matapos ibasura ng mga korte ang mga kasong isinampa laban sa kanila. Inilabas ng mga korte ang mga desisyon sa magkakahiwalay na kasong kinakaharap nila Renante Gamara, […]

Pagsirit ng presyo ng asukal, naiwasan sana
August 07, 2022

Naiwasan sana ang pagsirit ng presyo ng asukal kung tinugunan ng estado ang mga dahilan sa pagtaas ng gastos sa produksyon sa mga tubuhan. Ito ang paliwanag ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrkultura sa isang pahayag kahapon, Agosto 6. Sa ilang lugar, umaabot na sa ₱100 ang kada kilo ng asukal. Binatikos din ng […]

1978: Marcos, Enrile, supalpal
August 06, 2022

Noong 1978, mapangahas na sinupalpal ng mamamayan ng Cagayan ang deklarasyon ng noo’y ministro ng depensa na si Juan Ponce Enrile na gagapiin niya ang BHB sa rehiyon sa katapusan ng taon. Sa ilalim mismo ng ilong ng pasistang kaaway, isinagawa ng masa ang malawakang pagpipinta at pagdidikit ng mga poster sa pader (OP-OD) na […]

Kilusan kontra mandatory ROTC, muling pinalalakas
August 05, 2022

Muling umuugong ang pagtutol ng mga mag-aaral sa mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa harap ng bantang ibalik ito sa mga unibersidad, pamantasan at eskwelahan. Reaksyon ito ng mga kabataan sa kamakailang pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr sa kanyang unang State of the Nation Address na dapat ibalik ang mandatory ROTC o sapilitang […]

Napakataas na singil sa kuryente sa Ilocos, binatikos
August 05, 2022

Binatikos ng mga residente ng Ilocos ang napakataas na singil sa kuryente sa rehiyon, sa kabila ng ipinagmamayabang na Bangui Windmills bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya. Ayon sa grupong Power for the People Coalition (P4P) sa isang pahayag noong Agosto 3, umaabot sa ₱16.767 kada kilowatt hour ang binabayaran ng mga konsyumer ng Ilocos Norte […]

DepEd, kinastigo ng mga guro sa maanomalyang paggastos sa pondo
August 05, 2022

Inulan ng batikos ang Deparment of Education (DepEd) matapos maglabas ang Commission on Audit (COA) ng bagong mga ulat na nagtutukoy sa mga “deficiency” o pagkukulang ng kagawaran kaugnay sa paggastos sa ₱4.527 bilyong pondo para sa Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) o programang distance learning noong 2020-2021 at 2021-2022. Kabilang sa pinuna ng […]

Mga historyador, naglunsad ng 50-araw na countdown
August 05, 2022

Inilunsad kahapon ng mga historyador ang 50-araw na countdown bago ang ika-50 anibersaryo ng pagpataw ng batas militar ni Ferdinand Marcos Sr. Tinagurian nilang Singkwentada ang countdown na ito. Tinagurian ng grupong Tanggol Kasaysayan ang isinasagawang pag-alala sa batas militar bilang “TIPON” para patampukin ang pagtitipon ng mga materyal sa kasaysayan para labanan ang pambabaluktot […]