Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Aktibistang duktor, arbitraryong inaresto sa San Juan
February 18, 2022

Inaresto ng mga elemento ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines si Dra. Ma. Natividad Castro ngayong araw, Pebrero 18, sa tahanan ng kanyang pamilya sa San Juan City. Si Dra. Castro ay isang manggagawang pangkalusugan na tumulong sa pagtatayo ng mga community health center at mga programang pangkalusugan sa Mindanao. Nanguna […]

Mga tindig ng mga kandidato sa pagka-presidente sa usapang pangkapayapaan
February 18, 2022

Apat sa anim na prominenteng kandidato para sa pagkapangulo ng bansa ang pabor na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Republic of the Philippines (GRP). Sa porum na inorganisa ng Citizens Alliance for Just Peace (CAJP) ipinahayag ni Sen. Manny Pacquiao noong Pebrero […]

Anyare Comelec? “Biased” na operasyong baklas ng mga materyal pangkampanya, umani ng batikos
February 18, 2022

Umani ng batikos, laluna mula sa kampo ng kandidato pagkapresidente na si Leni Robredo, ang isinagawa ng Commission on Elections na Operation Baklas noong Pebrero 16. Sa maraming bahagi ng bansa, tila tinarget ng mga empleyado ng Comelec, katuwang ang mga pulis, bumbero at iba pang pwersang pansegurdad ng estado, ang mga tarpulin at poster […]

Importasyon ng asukal, pansamantalang ipinahinto ng korte
February 17, 2022

Pansamantalang ipinahinto ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73 sa Sagay City, Negros Occidental ang pag-import ng asukal ngayong taon alinsunod sa hiling ng mga prodyuser ng asukal sa isla. Inilabas nito ang temporary restraining order (TRO) nitong Pebrero 15 para pigilan ang naunang utos ng Sugar Regulatory Board (SRA). Buong didinggin ang kaso ng […]

Mga atakeng DDoS, binatikos ng mga mamamamahayag
February 17, 2022

Sa isang nagkakaisang pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at mga alternatibo at independyenteng midya, kinundena ang sunud-sunod na mga atakeng DDoS (o distributed denial of service) sa mga website ng mga pahayagan sa nagdaang mga linggo. Hinaharang ng mga atakeng ito ang paglalathalata ng mga balita at kwentong may katotohanan […]

Pwersahang pagbabakuna sa mga tsekpoynt ng militar, ipatutupad sa BARMM
February 17, 2022

Hanggang sa usapin ng pagbabakuna, militarisado pa rin ang tugon ng mga upisyal ng reaksyunaryong estado. Sa Bangsamoro Region of Autonomous Muslim Mindanao, pinakikilos ng mga upisyal ng rehiyon ang mga pulis at sundalo para harangin ang mga di bakunado sa mga tsekpoynt at “kumbinsihin” sila na magpabakuna. Pinuri pa ni Basahry Latip, pinuno ng […]

Maggugulay sa Benguet, tinutulan ang ismagling at importasyon ng gulay
February 16, 2022

Hindi bababa sa 250 maggugulay sa Benguet ang nakiisa noong Pebrero 14 sa inilunsad na karaban na bumagtas sa mayor na mga kalsada ng La Trinidad, Benguet upang tutulan ang walang sagkang importasyon at pagpuslit ng mga gulay at iba pang produktong pang-agrikultura mula sa China. Anila, ang pagbaha ng mga imported na gulay gaya […]

Malawakang konsultasyon kaugnay ng inamyendahang Batas sa Pamilya sa Cuba, ikinasa
February 16, 2022

Nagsimula ngayong Pebrero ang malawakang konsultasyon, mga pulong masa at pagtitipon ng mga Cubano kaugnay ng pag-amyenda ng gubyerno ng Cuba sa pamumuno ni Miguel Díaz-Canel Bermúdez, presidente ng republika at unang kalihim ng Communist Party of Cuba, sa Batas sa Pamilya (Family Code) ng bansa. Ang mga pagbabagong nilaman ng borador ay kinikilala ng […]

Suplay ng abono sa bansa, kukulangin
February 16, 2022

Iniulat ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) noong Pebrero 7 na 415,000 kilo ng abono ang nasira dulot ng bagyong Odette na tumama sa bansa noong Disyembre 2022. Magdudulot ito ng kakulangan sa suplay sa apektadong mga prubinsya na inaasahang magreresulta sa mas mababang ani ngayong taon. Tinataya ng FPA na ₱12.96 milyon ang nasirang […]

Presyo ng bilihan ng palay, lalupang bababa sa Marso dulot ng importasyon
February 15, 2022

Salot sa mahigit dalawang milyong magsasaka sa mga palayan sa nakaraang tatlong taon ang Rice Tariffication Law o RTL. Ito ang pahayag ng mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa kanilang rali sa harap ng upisina ng Department of Agriculture sa Quezon City noong Pebrero 14, anibersaryo ng pagkakapasa ng RTL. Ayon […]