Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Sobrang bakuna, ipamamahagi ng US kapalit ng mga pabor
June 06, 2021

Inanunsyo ni US Pres. Joseph Biden noong Hunyo 2 na ipamamahagi ng US ang sobrang 25 milyong dosis ng bakuna ng bansa sa buong mundo. Matagal nang nakatambak ang mga ito sa US dahil sobra-sobra sa populasyong Amerikano ang inorder ng gubyernong Amerikano kahit sa gitna ng matinding kakulangan ng suplay sa buong mundo. Ipinamamahagi […]

Ano ba talaga?
May 31, 2021

Kabaliktaran sa idineklarang mga “tagumpay” ng AFP at NTF-ELCAC, lumalakas daw ang BHB ayon kay Esperon Balita kahapon ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na nasa 4,000 ang bilang ng mga regular na mandirigma ang Bagong Hukbong Bayan (BHB). Aniya, ito ay dahil nagkaroon ng “resupply” sa hanay ng mga Pulang mandirigma, “very […]

Impeachment complaint laban kay Leonen, ibinasura ng Kongreso
May 29, 2021

Sa botohang 44-0, ibinasura ng House Justice Committee ang reklamong impeachment laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen noong Mayo 27. Ayon sa mga mambabatas, ibinasura ang reklamong impeachment dahil nakasalig lamang ito sa mga salita ng nagreklamo, hindi naglakip ng orihinal na mga dokumento, at hindi nakabatay sa “personal na pagkakaalam” ng nagreklamo. […]

Badyet para sa #LigtasNaBalikEskwela, binalewala sa Bayanihan 3
May 28, 2021

Balita nitong nakaraang linggo ang paggigiit ng mga kabataan at guro para sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan. Kabilang sa mga pagsisikap ng mga progresibong grupo ang pagsusulong ng karagdagang badyet sa edukasyon para matiyak ang pagpapatupad nito. Ngunit sa ikalawang pagbasa pa lamang ng Bayanihan 3 o Bayanihan To Arise As One Act, […]

Pagbili ni Dennis Uy sa Malampaya Gas Project, pinarerepaso ng Senado
May 27, 2021

Pinarerepaso ng Senado sa Department of Energy ang magkasunod na pagbili ng kumpanya ni Dennis Uy na Udenna Corporation sa Malampaya Deep Water Gas-To-Power Project mula sa Royal Dutch Shell nitong taon at sa Chevron Corporation noong 2019. Kontrolado ng dalawang kumpanya ang 90% ng proyekto. Ito ang kaisa-isang operasyon ng pagmimina ng natural gas […]

Paggamit sa mga detindo sa mga "operasyong kontra-droga," binatikos
May 27, 2021

Kinwestyon sa isang pagdinig sa Senado noong Lunes ang paggamit ng Philippine National Police (PNP) sa mga detinido sa mga “buy-bust operation” nito. Inilunsad ang pagdinig matapos na magkasa ng hindi koordinadong operasyon ang PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang mall sa Barangay Greater Lagro, Quezon City noong Mayo 14 na muntikang nauwi […]

Paggunita sa unang anibersaryo ng pagkamatay ni George Floyd
May 27, 2021

Libu-libong indibidwal ang nagtipon at nagmartsa noong Mayo 25 sa iba’t ibang syudad ng US para gunitain ang unang anibersaryo ng pagkamatay ni George Floyd. Sa Minneapolis kung saan pinatay si Floyd, nagsindi ng mga kandila at nag-alay ng ilang sandali ng katahimikan ang kanyang mga tagasuport para dakilain ang kanyang alaala. Kasabay nito, nakipagkita […]

Wala ring hustisya sa taga-Marawi
May 27, 2021

Pagkatapos ng apat na taon, wala pa ring hustisya para sa mga biktima ng Marawi Siege. Hindi pa rin makabalik sa syudad ang karamihan sa 27,000 pamilya ng 11,000 kabahayang winasak ng teroristang gera at pambobomba ng rehimeng US-Duterte. Nananatili pa rin ang malaking mayorya na walang sariling mga bahay at nagsisiksikan sa mga sentrong […]

Gaano ka nakamamatay ang Anti-Terror Law?
May 26, 2021

34 pinaslang, 104 ikinulong ng AFP/PNP habang dinidinig sa Korte Suprema Nagtapos na ang pagdinig ng Korte Suprema sa mga argumento mula sa mga abugado ng mga nagpetisyong ibasura ang Anti-Terror Law at tugon ng gubyerno hinggil dito noong Mayo 17. Umabot sa siyam na magkahiwalay na araw sa loob ng apat na buwan ang […]

Inaprubahang panukalang para sa ayuda na Bayanihan 3 — kakarampot na nga, siningitan pa ng pensyon para sa mga sundalo at pulis
May 26, 2021

Inaprubahan kahapon sa pangalawang pagdiniig sa Mababang Kapulungan ang panukalang Bayanihan 3 na nakatakdang magbigay ng P2,000 ayuda para sa lahat. Ipamamahagiito sa dalawang bigayan ngayong taon. Malayong-malayo ito sa iginigiit ng Ayuda Network na P10,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan. Anang grupo, malinaw na hindi pinakinggan ng mga nagpanukala at nagpasa nito […]