Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Nagsampa ng kasong sibil si Teddy Casiño, chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), laban sa bantog na mga Red-tagger at ahente ng National Task Force (NTF)-Elcac na sila Lorraine Marie T. Badoy-Partosa at Jeffrey L. Celiz sa Makati City Regional Trial Court noong Disyembre 18. Inireklamo sila ni Casiño para sa mapang-abuso, mali at malisyosong […]
Nagprotesta sa upisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City noong Disyembre 18 ang mga drayber ng bus mula sa iba’t ibang kumpanya upang tutulan ang hindi makatarungang Demerit Points System ng ahensya na ipinatupad noon pang 2019. Pinangunahan ang pagkilos ng Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (Manibela). Nagpataw ang naturang sistema, […]
Pinuna ni Ka Juliet de Lima, interim chairperson ng Negotiating Panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang mga pahayag ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr kamakailan kaugnay ng usapang pangkapayapaan at pinirmahang Oslo Joint Statement noong Nobyembre 23. Imbes “pagpapasuko” sa rebolusyonaryong kilusan, tulad ng ibinabalandra ni Teodoro, dapat […]
Sinuportahan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang mungkahi ng mga tauhan ng United Nations (UN) sa gubyerno ng Pilipinas na magtayo ng isang “national torture prevention body” para bantayan at pigilan ang pagsasagawa ng tortyur ng mga pwersa ng estado. Nabuo ng mga eksperto ang mungkahi nang dumating sa bansa noong Disyembre 3-14 […]
Naglunsad ng iba’t ibang aktibidad noong Disyembre 16 ang mga demokratiko at progresibong organisasyon sa Pilipinas at sa The Netherlands para gunitain ang unang taon ng pagpanaw at pagkamartir ni Kasamang Jose Maria Sison. Nagbalik-aral sila sa mga akda at sulatin ni Ka Joma, nagpugay sa kanyang buhay na inialay sa pambansa-demokratikong adhikain, at ipinanatang […]
Nagtipon sa harap ng Baguio Justice Hall, Baguio City ang mga kaanak, kaibigan at kasama ng apat na aktibista at lider ng Cordillera People’s Alliance (CPA) noong Disyembre 14 habang dinidinig ang inihain na writ of preliminary injunction kaugnay ng “teroristang designasyon” sa kanila ng Anti-Terrorism Council. Ang injunction ay temporaryong pagtatanggal sa mga implikasyon […]
Muling inusog ng 3rd ID ang dedlayn nito para “durugin” at ideklarang “insurgency-free” ang buong isla ng Negros tungong unang kwarto ng 2024. Mula ito sa naunang deklarasyon na “tatapusin” ang “insurhensya” sa rehiyon ngayong 2023. Habang tinawag ito ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros na “panibagong bigong dedlayn,” mangangahulugan din ito ng pagpapalawig ng militarisasyon […]
Sa pangalawang pagkakataon, hindi sumipot ang dating pangulong Rodrigo Duterte sa Office of the Prosecutor sa Quezon City noong Disyembre 15. Sa kabila ito ng atas ng korte na personal na humarap para sa paunang imbestigasyon sa kasong malubhang pagbabanta o grave threat na ginawa nito laban kay ACT Teachers Rep. France Castro. Tanging mga […]
Magkasamang nagmartsa tungong Mendiola sa Maynila sa ikalawang araw ng tigil-pasada noong Disyembre 15 ang grupo ng mga tsuper at opereytor na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela), at kanilang mga tagasuporta. Ito ay para singilin at panagutin si Ferdinand Marcos […]
Tahimik na nakalapit at pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang patrol base ng 62nd IB sa Barangay Sandayao proper, Guihulngan City, Negros Oriental bandang alas 8:00 ng gabi noong Disyembre 13. Dalawa ang nasugatan sa nagulantang na mga pasistang tropa ng 62nd IB. “Kongkretong tugon ito ng BHB sa […]