Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Mayor na panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang paglulunsad ng kagyat at puspusang kilusang pagwawasto ng buong Partido para “tukuyin ang mga kahinaan, pagkukulang at mga pagkakamali upang iwasto at pangibabawan ang mga ito, at humakbang nang mas malaki sa susunod na taon.” Laman ang panawagan sa pahayag ng Komite Sentral (KS) sa ika-55 […]
Pinaslang ng mga elemento ng 31st IB si Joseph Esperanzate, 42, sa kanyang tahanan sa Purok Iraya, Barangay Union sa bayan ng Gubat, noong Disyembre 17, bandang alas-4 ng umaga. Si Esperanzate ay dating naging myembro ng Bagong Hukbong Bayan (Bagong Hukbong Bayan) noong 2013 ngunit matagal nang nagbuhay sibilyan. Mula 2019, ilang beses na […]
Sa huling ulat na inilabas ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong Disyembre 21, umaabot na sa 68 mamamahayag at manggagawa sa midya ang kabilang sa 19,000 namatay sa gaza at West Bank mula Oktubre 7. Labinlima ang naiulat na sugatan, tatlo ang nawawala at 20 ang sinabing inaresto ng mga pwersa ng Zionistang Israel. […]
Nagsampa ng petisyon ang mga grupo ng tsuper at opereytor ng pampublikong pampasaherong sasakyan (public utility vehicle o PUV) sa Korte Suprema noong Disyembre 20 para pigilan ang implementasyon ng PUV phaseout sa darating na Enero. Hiniling nila, sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston), na maglabas ng […]
Bitbit ang mga bandila ng Kabataang Makabayan (KM), Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Bagong Hukbong Bayan (BHB) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), nagraling-iglap ang mga kasapi ng KM-Timog Katagalugan (TK) sa kampus ng University of the Philippines (UP)-Los Baños noong Disyembre 19. Bahagi ang rali ng pagdiriwang ng KM sa ika-59 na […]
Kinundena ng BHB-Southeast Negros ang pagdukot at pagpresenta sa dalawang buntis na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southeast Negros (Rachelle Mae Palang Command) na naka-medical leave ng mga sunalo ng 11th IB. Dinukot sina Jing Villacarillo (Ka Aubrey) at Ka Sara sa isang bahay sa Sityo Katubahan, Barangay Tayak, Siaton, Negros Oriental noong Disyembre […]
Naghain ng Notice of Strike ang unyon na Buklod ng Manggagawa sa FCF Manufacturing (BMFCFM) sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) noong Disyembre 5 matapos tanggihan ng kapitalista ng FCF Manufacturing ang giit ng unyon na ₱50 dagdag sahod sa collective bargaining agreement (CBA) nito. Inalok lamang ang mga manggagawa ng mapang-insultong ₱2 dagdag-sahod. […]
Magkasunod na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros (Leonardo Panaligan Command) ang pag-aaral sa Batayang Kurso ng Partido (BKP) at araw ng parangal kay Kasamang Jose Maria Sison at iba pang mga martir ng rebolusyon noong Disyembre 13 hanggang Disyembre 18. Ligtas at matiwasay na nailunsad ang naturang mga aktibidad sa tulong at suporta […]
Kinundena ng Karapatan-Central Visayas at mga progresibong grupo ang anila’y gawa-gawang kasong frustrated homicide na isinampa laban kina John Ruiz III, koordineytor ng Bayan Muna Central Visayas, at Jhonggie Rumol, dating direktor ng Visayas Institute for Human Development Agency, Inc. Sina Ruiz at Rumol ay idinadawit sa naganap na armadong engkwentro sa pagitan ng Bagong […]
Nagpunta ang mga kasapi ng Karapatan-Southern Tagalog at Tanggol Batangan sa bayan ng Balayan, Batangas noong Disyembre 18 upang imbestigahan ang napaulat na mga paglabag sa karapatang-tao sa “armadong engkwentro” na iniulat ng 59th IB sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Barangay Malalay sa Balayan. Ipinadala nito ang magkahiwalay na tim, isa sa Barangay Malalay […]