Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Inilunsad noong Setyembre 18 ng mga magsasaka sa ilalim ng Pagkakaisa at Bukluran ng Magsasaka sa Nagpatong Inc (PBMSN, INC) ang kanilang 1-linggong kampuhan sa Sityo Nagpatong, Barangay San Jose, Antipolo City. Layunin ng kampuhan na igiit ang kanilang karapatan sa lupa na dalawang dekada na nilang binubungkal. Kasabay ito sa dayalogo na nais nilang […]
Namatay sa pamamaril ng mga sundalo at elemento ng CAFGU ang mag-asawang sina Jover “Dodo” Villegas, 40 anyos, at Aimee Villegas na taga-Sityo Basak, Barangay Luna, Placer noong Setyembre 21, bandang alas-5 ng umaga. Para makatakas sa pananagutan, pinalalabas ng mga berdugo na mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na napatay sa engkwentro ang […]
Pinatawan ng aksyong pamarusa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro ang operasyong kwari sa gitna ng Ilog Bongabong, Barangay Hagupit, Bongabong, Oriental Mindoro noong Setyembre 20 ng hapon. Pinaralisa at sinunog ng mga Pulang mandirigma ang isang payloader na ginagamit sa operasyong kwari ni Mayor Elgin Malaluan ng bayan ng Bongabong. Ayon kay Ka Madaay Gasic, […]
Naglunsad ng protesta ang mga manggagawa ng Valle Verde Country Club, Inc. Employees Union (VVCCIEU) sa Pasig City noong Setyembre 18 bilang pagkundena sa kasalukuyang deadlock o hindi pag-usad sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng unyon at maneydsment. Anila, bagaman ibinaba na nila ang kanilang mga kahingian sa maneydsment ay […]
Isang CAFGU at isang aset ng militar ang inambus ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) noong Setyembre 16 at 17. Ang dalawa ay sangkot sa mga operasyong kombat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pangunahing mga aset sa paniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya. Isinagawa ng […]
Nagbunsod ng pagkansela ng klase sa mga eskwelahan ang palabas na engkwentro at walang patumanggang pamamaril ng tropa ng 2nd IB sa hangganan ng Barangay Villahermosa, Cawayan at katabing bayan na Placer noong Setyembre 16 ng ala-6 ng umaga. Inilinaw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate na wala itong yunit na nakasagupa ng mga sundalo. “Hindi […]
Pinaputukan at hinaras ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar (Sergio Lobina Command) ang nag-ooperasyong tropa ng pinagsanib na 4th Scout Ranger Battalion (SRB) at 42nd IB sa Sitio Barayan, Barangay Pandol, Can-avid, Eastern Samar noong Agusto 23. Pilit itinago ng militar sa publiko ang kanilang pagkatalo dahil dineklara na nitong “insurgency-free” ang […]
Dalawang araw bago ang ika-32 anibersaryo sa pagbabasura sa Military Bases Agreement, walang kahihiyang inianunsyo ng tutang rehimeng Marcos Jr at Armed Forces of the Philippines na magsasagawa ang militar ng US ng 500 war game at aktibidad militar sa Pilipinas sa susunod na taon. Kasunod ito ng inianunsyo ng US na pagnanaisa na dagdagan […]
Labing-isang bala ng kanyon ang pinakawalan ng 301st IBde sa loob ng dalawang oras na kampanyang pambobomba nito sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo alas-7 ng umaga noong Setyembre 15. Bumagsak ang mga bala ng howitzer nang 100 metro ang layo mula sa kabahayan ng mga residente. Dulot ng panganganyon, napilitang tumigil ang mga residente sa […]
Naglunsad ng pagkilos na binansagan nitong “Black Friday Protest” ang mga kawani at empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa sa pangunguna ng unyon na Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP) noong Setyembre 15. Protesta ito laban sa plano ng pamunuan ng DSWD na isentralisa ang maraming programa […]