Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Duterte, kinastigo sa gastos ng kanyang upisina
July 06, 2023

Kinastigo ng grupo ng mga guro si Sara Duterte, bise presidente at kalihim ng Department of Education, sa napabalitang maling proseso ng paggasta ng kanyang upisina sa pondo ng ahensya noong Hulyo 5. Batay ito sa ulat ng Commission on Audit na hindi sinunod ni Duterte ang wastong proseso sa pagbili ng gubyerno ng mga […]

Petisyon para sa writ of habeas corpus ng Taytay 2, inihapag
July 06, 2023

Nagpetisyon ang mga kaanak at kaibigan nina Gene “Bazoo” De Jesus at Dexter Capuyan para sa writ of habeas corpus (o paglilitaw para iharap sa korte) ng dalawang aktibista. Kasama nila ang iba’t ibang mga grupong nagtataguyod sa karapatang-tao, inihapag nila ang petisyon sa Court of Appeals (CA) kahapon ng umaga, kasabay ng ikalawang buwan […]

ATL, muling kinundena sa ikatlong taon nito
July 06, 2023

Naglunsad ng kilos protesta ang mga grupong nagsusulong ng kalayaan sa pamamahayag sa harap ng National Intelligence Coordinating Agency sa Quezon City noong Hulyo 3 upang kundenahin ang ikatlong taon ng pagsasabatas ng Anti-Terror Law. Ayon kay Neil Eco ng Altermidya Network: “Tapos na ang panunungkulan ni Duterte, pero nagpapatuloy ang paggamit sa Anti-Terror Law […]

Mga kampo militar sa kanayunan, salot sa mamamayan
July 05, 2023

Laman ng balita kamakailan ang pag-iinspeksyon ng 17th IB ng Philippine Army at lokal na gubyerno sa bayan ng Flora sa Upper Atok, Flora, Apayao noong Hunyo 28-29 sa 50-ektaryang lupa sa barangay. Ito ay para sa planong itayong kampo militar sa naturang barangay. Taliwas sa pinalalabas na kapayapaang ihahatid ng kampo militar, pinsala at […]

Ikalawang serye ng Cope Thunder, inilunsad ng pwersang panghimpapawid ng US at Pilipinas
July 05, 2023

Nagsimula noong Hulyo 2 at tatakbo hanggang Hulyo 21 ang ikalawang serye ng Cope Thunder, war game na nilalahukan ng Philippine Air Force (PAF) at US Air Force sa bansa. Hindi bababa sa 225 ang kabuuang bilang ng mga sundalo ng US at Pilipinas ang lalahok sa naturang ehersisyong militar. Ang Cope Thunder ay itinulak […]

Bilanggong pulitikal mula Negros, nakalaya na
July 04, 2023

Nakalaya na si Ge-Ann Perez noong Hunyo 30 mula sa apat na taong pagkakakulong sa Taguig City Jail Female Dorm, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Si Perez ay inaresto, kasama ang mag-asawang sina Fr. Frank Fernandez at Cleofe Lagtapon, noong Marso 24, 2019 sa Liliw, Laguna. Ibinasura ang gawa-gawang mga kasong illegal possession of […]

4 na magtutubo sa Batangas, inaresto ng pulis
July 04, 2023

Inaresto ng mga pulis nang walang mandamyento de aresto ang apat na magtutubo na kasapi ng Pagkakaisa ng Manggagawang Bukid sa Tubuhan (PAMATU) sa Barangay Tumalim, Nasugbu, Batangas nitong Miyerkules, Hulyo 3. Iniulat ang naturang insidente ng grupong Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas kahapon. Ayon sa SUGAR-Batangas, ang apat na biktima ay sina […]

Martsa kontra dam, inilunsad sa Laguna
July 04, 2023

Nagmartsa ang mga residente ng Pakil, Laguna sa sentro ng bayan noong Hulyo 1 para ipabatid ang kanilang pagtutol sa mga proyektong Ahunan at Belisama Hydropower sa kanilang bayan. Itatayo ang Ahunan Dam sa Bundok Ping-as, na matatagpuan sa naturang bayan. Ang pagkilos ay kasunod ng porum at konsultasyon sa parehong araw na pinangunahan ng […]

Pagpatay ng pulis sa 17-taong gulang, nagpasiklab ng protesta sa France
July 03, 2023

Pumasok na sa panlimang araw ang mga protesta sa France.

Mga paglabag sa karapatang-tao sa Pilipinas, muling idinulog sa UNHRC
July 02, 2023

Muling inihapag ng iba’t ibang mga grupo ang talaan ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa Pilipinas sa nagdaang mga buwan sa ika-53 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC). Nagpunta ang mga kinatawan ng Philippine Universal Periodic Review (UPR) Watch sa Geneva, Switzerland noong Hulyo 1 para makipagdayalogo sa mga Special Rapporteur […]