Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Habang pansamantalang naipagpaliban ang pakanang jeepney phaseout sa Metro Manila, todo na itong ipatutupad sa Davao City. Noong Hunyo 29, pormal nang ibinigay ng Asian Development Bank ang $1 bilyon utang para sa Davao Public Transport Modernization Project, isang proyektong mag-aangkat ng 1,100 bus na magiging pamalit sa mga tradisyunal na dyip. Ginamit ng ADB […]
Binatikos ng mga kawani ng gubyerno ang administrasyong Marcos Jr sa kawalan ng kongkretong tugon sa hinaing ng kanilang sektor sa nagdaang taon. Tinawag nilang “lip service” at “tokenismo” ang mga pahayag ni Marcos kaugnay sa kanila. Walang pinag-iba, at lalo pang lumubha ang kalagayan ng mga kawani sa ilalim ng rehimen, anila. “Walang kongkretong […]
Gutom sa katarungan at gutom na sikmura ang sinapit ng mga pamilya ng biktima ng huwad na “gera kontra-droga” ng nagdaang rehimeng Duterte sa unang taon ng panunungkulan ni Ferdinand Marcos Jr. “Ito ang kalagayan naming mga pamilya ng biktima ng war on drugs,” pahayag ng mga ina ng pinaslang na mga biktima. Anila, mas […]
Karahasang pang-ekonomya at pasismo ang dinanas ng mga katutubong Pilipino sa kamay ng rehimeng Marcos Jr sa unang taon nito sa pdoer. “(N)aging nangungunang tagalabag ng karapatan ng mamamayang katutubo at Moro ang anak ng diktador sa unang taon niya sa poder,” pahayag ng Sandugo-Movement of Moro and Indigenous People for Self-Determination, “Idineklara ni Marcos […]
Binalaan noong Hunyo 29 ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) ang 2nd ID ng Armed Forces of the Philippines laban sa patuloy na pagkakait nito sa batayang mga karapatan nina Arnulfo Aumentado at Mary Joyce Lizada, kilala bilang Mansalay 2, bilang mga indibidwal na pinagkaitan ng kalayaan (persons deprived of liberty.) Sina Aumentado at […]
Sa loob ng isang taong panunungkulan ni Ferdinand Marcos Jr, bigo itong tugunan ang hinaing ng mga mangingisda sa bansa ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya). Ayon sa grupo, “walang makabuluhang pagbabago sa sektor ng pangisda” sa ilalim ng rehimen. “Pinakamahirap na sektor pa rin ang mga mangingisda sa ilalim […]
Umalma ang mga mag-aaral ng University of the Philippines (UP) sa kamakailang pinirmahang kasunduan ng tsanselor o punong upisyal ng UP-Diliman at ng Philippine National Police (PNP) noong Hunyo 19 kaugnay ng sinasabing kooperasyon ng dalawang institusyon. Ayon sa UP Office of the Student Regent (OSR), kinatawan ng mga mag-aaral sa buong UP System, nababahala […]
Kinundenda ng iba’t ibang grupo ng mga lesbyan, bakla at iba pang minoryang kasarian ang naging marahas na pag-aaresto ng mga pulis ng Makati kay McNeal “Awra” Briguela, isang transgender at artista, matapos sumiklab ang kaguluhan nang ipagtanggol niya ang mga kaibigan niyang babae sa pambabastos at sekswal na harasment. Sa isang pahayag, kinundena ng […]
Bagsak na grado, at sa gayon ay kailangang patalsikin si Ferdinand Marcos Jr sa pwesto para sa kanyang mga krimen laban sa mga migrante. Ito ang pahayag ng grupong Migrante International para sa unang taon ng panunungkulan ng anak ng diktador. Kabilang sa kanyang mga krimen ang sumusunod: bigong paglikha ng mga lokal na trabaho, […]
The Communist Party of the Philippines (CPP) today denounced the illegitimate Marcos Jr regime as it marks its first year in office. The Party said Ferdinand Marcos Jr’s hands are dripping in blood as state forces have gone on a rampage of murder on his orders, killing at least two civilians and other non-combatants every […]