Tigil pasada at protesta ng Piston, muling ikinasa
Muling ikinasa ang malawakang tigil pasada at protestang bayan laban sa gera at kahirapan ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) noong Abril 21 sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa grupo, pinapatay ng rehimeng Marcos ang mamamayan dahil sa manhid at inutil na tugon nito sa nararanasang krisis ng bansa.
“Isang rider na ang namatay sa mahaba at matagal na pila ng ayuda.. Literal na buhay ang kapalit ng barya-baryang limos ng kurakot ng gubyerno,” paliwanag ng grupo.
“Pinapatay tayo sa gutom. Minamasaker ang ating kabuhayan. Pinapalayas tayo sa ating tahanan. Ipinagkakait sa atin ang nakabubuhay na sahod. Inaalisan ang mga kabataan ng kinabukasan,” dagdag ng grupo.
Anito, ipinagtatanggol ng rehimeng Marcos ang tubo ng kartel ng langis ng Shell, Caltex at Petron habang tuluy-tuloy ang pangungulimbat nito sa patung-patong na buwis ng mamamayan.
Anila, kailangan patuloy na singilin ng taumbayan ang inutil, manhid at papet na rehimeng Marcos sa utang nitong buhay at kabuhayan. Kailangang mas mariin isulong ang pagbabago ng sistema, ani ng ng grupo.
Tutang rehimen
Samantala, binweltahan rin ng mga nagprotesta ang pagiging tuta ng rehimen sa imperyalsitang US. Pinansin nila na pinahihintulutan ni Marcos ang US sa plano nitong magtayo ng 1,600 ektaryang economic zone na pandigma, liban pa sa pagawaan ng bala at refuelling staion para sa mga barkong pandigma nito sa Plipinas.
Tuluy-tuloy ang panggegera at masaker ng US at Israel sa Iran, Palestine at Lebanon, habang umaabot na sa Pilipinas ang pinapaslang sa hibang nilang gera. Kasabwat ang rehimeng Marcos sa masaker at gera ni Trump at Netanyahu.
Mga sentro ng protesta
Sa Metro Manila, itinayo ang mga protest center sa Pasig City; sa Philcoa sa Quezon City, Cubao-Quiapo JODA terminal,at sa Anonas Avenue sa Quezon City.
Naparalisa ng grupo sa 70% ang ruta ng Novalichez-Blumentritt, habang naparalisa ng 70% ang ruta ng Anonas- Project 2-3.
Sa Bulacan, matagumpay na nakapagwelga ang bagong buong CAJODAP-PISTON (Calumpit JODA PISTON) at nakapagtayo ng kanilang strike center. Naparalisado nila ang 80% ang byahe sa sa syudad, partikular sa ruta ng Malolos-San Fernando, Calumpit-Meycauayan at Calumpit-Pulilan.
Sa Rizal, nagtayo ng strike center ang mga tsuper at opereytor sa Junction.
Sa Iloilo City, nagtayo ngstrike center ang grupo sa Tagbak Terminal, Ungka ITGSI Terminal, UPV Infante Flyover, sa harap ng Mandurriao Elementrary School at sa Iloilo Provincial Capitol.
Sa Cebu, inilunsad ng grupo ang ikatlong transport strike sa syudad. Sa Umaga, nagprotesta ang grupo sa P. Del Rosario, Mabolo, Labangon at Mabolo sa Cebu City; sa Lapu-Lapu City; Sa Cabancalan sa Mandaue City, at Consolacion. Sa hapon, naglunsad sila ng programa sa Metro Colon sa Cebu City.
Sa Alabang City, isinara ng grupo ang buong Alabang City Terminal. Nasa 100% paralisado ang biyahe sa syudad.