Download
Sinalubong ng protesta ng mga progresibong grupo ang pagbisita sa Pilipinas ng bagong kalihim sa depensa ng US na si Peter Hegseth noong Marso 28. Nasa bansa si Hegseth hanggang Marso 29, para pulungin ang mga upisyal sa depensa at militar ng Pilipinas para itulak ang mapandigmang adyenda ng US sa Pilipinas at sa Asia. […]
Naglunsad ng iba’t ibang aktibidad ang mga organisasyong bahagi ng National Democratic Front (NDF) sa mga syudad at sentrong bayan bilang pagdiriwang sa ika-56 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Marso 29. Binigyang pugay nila ang mga Pulang mandirigma at kumander ng BHB sa kanilang hindi natitinag na rebolusyonaryong diwa sa pagsusulong ng […]
Sa loob ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), iba’t iba ang propesyon na natututunan ng mga Pulang mandirigma. Sa pagsusulong ng digma, gumaganap din sila bilang mga titser, abugado, artista, mang-aawit, nars o duktor at iba pang trabaho, lahat para sa interes ng masang api. Ito ang natutunan ni Kasamang Sey, isang kabataang mandirigmang kasalukuyang kumikilos […]
Pinagkumbinang operasyong haras, demolisyon at pamamarusa ang isinagawa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate (Jose Rapsing Command) sa loob ng siyam na araw para bigwasan ang pinagsanib na pwersa ng militar, pulis at mga CAFGU. Noong Marso 24, pinasabugan ng mga Pulang mandirigma ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Manlut-od, Placer. Dalawa ang namatay at dalawa […]
Binweltahan ng rebolusyonaryong kabataan ang kamakailangang pahayag ng pasistang National Task Force-Elcac kaugnay ng serye ng mga aktidad na isinagawa ng KM sa Metro Manila, laluna ang sa mga unibersidad, para ipagdiwang ang ika-56 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Tinatarget ngayon ng ahensya ang mga institusyong pang-edukasyon sa tabing ng pagtatanggol sa akademikong kalayaan. Ayon […]
Noong Marso 24-28, nagtayo ng kampong protesta ang mga magsasaka mula sa Central Luzon sa harap ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City para iparating ang mariin nilang pagtutol sa malawakang pagpapalit-gamit at pangangamkam ng lupa at pasismo ng estado sa rehiyon. Sa loob ng limang araw, pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) […]
Nagtipon sa Liwasang Bonifacio ang mga myembro ng progresibong grupo noong Marso 28 para magtirik ng kandila, hindi para gunitain ang ika-80 kaarawan ni Rodrigo Duterte, kundi para manawagan ng pananagutan at hustisya para sa mga biktima ng pinakamalalala niyang krimen laban sa sambayanang Pilipino. Ang hiling nila, hatulan siyang may sala sa krimen sa […]
Download