NTF-Elcac, binweltahan ng rebolusyonaryong kabataan

,

Binweltahan ng rebolusyonaryong kabataan ang kamakailangang pahayag ng pasistang National Task Force-Elcac kaugnay ng serye ng mga aktidad na isinagawa ng KM sa Metro Manila, laluna ang sa mga unibersidad, para ipagdiwang ang ika-56 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan.

Tinatarget ngayon ng ahensya ang mga institusyong pang-edukasyon sa tabing ng pagtatanggol sa akademikong kalayaan.

Ayon kay Ka Maria Laya Guerrero, pambansang tagapagsalita ng KM, hindi makaiiral ang akademikong kalayaan kung ginigipit ang mga pag-aaral at talakayan sa loob ng pamantasan at tahasang panunupil sa mga estudyante, organisasyon at mga administrador ang balak ng NTF-Elcac na “imbestigahan” ang mga unibersidad. Tulad sa nakaraan, tiyak na tatargetin ng ahensya ang mga ligal na organisasyong masa at institusyon.

NTF-Elcac, binweltahan ng rebolusyonaryong kabataan