Sa loob ng dalawang dekada mula 1999, tumaas nang 946% ang netong kita ng 1,000 pinakamalalaking kumpanya sa Pilipinas. Sa kabilang banda, tumaas lamang nang 140% mula ₱224 tungong ₱537 sa panahong ito ang mala-aliping sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region, ang pinakamataas na minimum sa buong bansa. Bahagyang bumaba ang netong kita […]
Sa buong bansa, pinakamababa ang natatanggap na sahod sa kalakhan ay mga manggagagawang Moro sa Bangsamoro Autonomous Region Muslim Mindanao (BARMM). Sa huling kautusan, nasa ₱306 hanggang ₱341 lamang ang kanilang tinatanggap. Pinakamataas na ang sahod sa Cotabato City, kung saan ₱316 ang tinatanggap ng mga manggagawa sa agrikultura at ₱341 sa industriya at serbisyo. […]
Naghain ng Notice of Strike (NOS) ang Wyeth Philippines Progressive Workers Union sa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board 4-A noong Mayo 20. Magwewelga ang mga manggagawa para itulak ang kapitalista ng Wyeth-Nestle na ibalik sa trabaho ang 145 manggagawang tinaggal sa pabrika sa Canlubang, Laguna. Noong Marso pa lumutang ang plano ng kumpanya […]
Animo’y mga lintang sinisipsip ng dambuhalang pasistang makinarya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pondo ng bayan, hindi lamang para ipambili ng parami nang parami at palaki nang palaking mga armas at kagamitan, kundi pati para ipambayad sa pensyon ng mga berdugong elemento matapos ang kanilang “serbisyo.” Sa nakaraang mga taon, umaabot sa […]
Lubhang nababahala ang demokratiko at rebolusyonaryong mga pwersa sa mga prubinsya ng Ilocos at La Union sa paglipana at patuloy na pagdagsa sa rehiyon ng mga dayuhang kumpanyang namumuhunan sa iba’t ibang proyektong pang-enerhiyang “renewable.” Sa kasalukuyan, nag-oopereyt sa rehiyon ang siyam na planta ng wind, solar at hydropower. Dagdag dito ang 13 na naaprubahan […]
Limang magkakasunod na armadong aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Mayo 2 hanggang Mayo 8 sa Panay at Kalinga. Ang mga ito ay bahagi ng ubos kayang pagsisikap ng mga yunit ng BHB na pursigidong labanan at biguin ang todong gera ng kaaway laban sa masa […]
Malalaking mapaminsalang proyektong pang-enerhiya ang nakatakdang itayo sa rehiyong Bikol. Dalawa sa mga ito ang binabalak na eksplorasyong geothermal o enerhiyang nagmumula sa init sa ilalim ng lupa na pangungunahan ng Premier Geoexcel Inc sa Camarines Norte at Camarines Sur. Sa mga prubinsya ring ito balak itayo ang “wind farm” ng Copenhagen Infrastructure New Markets […]
Magkakasunod na ligal na tagumpay ang nakamit ng mga aktibista at bilanggong pulitikal sa nagdaang ilang linggo. Ipinawalambisa ng Bangued Regional Trial Court Branch 2 ang mga warrant of arrest na inilabas laban sa tinaguriang “Northern Luzon 7” noong Mayo 11. Anito, hindi pinangalanan ang pitong mga “nakaligtas” sa ambus ng hukbong bayan noong Oktubre […]