Mga kasong pulitikal, ibinasura

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Magkakasunod na ligal na tagumpay ang nakamit ng mga aktibista at bilanggong pulitikal sa nagdaang ilang linggo.

Ipinawalambisa ng Bangued Regional Trial Court Branch 2 ang mga warrant of arrest na inilabas laban sa tinaguriang “Northern Luzon 7” noong Mayo 11. Anito, hindi pinangalanan ang pitong mga “nakaligtas” sa ambus ng hukbong bayan noong Oktubre 2022 sa Sitio Kutop, Barangay Gacab, Malibcong, Abra.

Ang pito ay kinabibilangan ng mga aktibista at progresibong sina Jennifer Awingan, Sarah Abellon-Alikes, Stephen Tauli, Windel Bolinget, Lucia Lourdes Gimenes, Nino Joseph Oconer, at Florence Kang.

Noong Mayo 12, ibinasura ng korte sa Muntinlupa City ang ikalawang kaso na isinampa laban kay dating senador Leila de Lima. Umamin noong 2022 ang pangunahing saksi sa kaso na si Rafael Ragos na peke ang kanyang mga alegasyon at pinilit lamang siya na sabihin ang mga ito.

Mga kasong pulitikal, ibinasura