Pinsalang hatid ng dayuhang proyektong pang-enerhiya sa Bicol

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

Malalaking mapaminsalang proyektong pang-enerhiya ang nakatakdang itayo sa rehiyong Bikol. Dalawa sa mga ito ang binabalak na eksplorasyong geothermal o enerhiyang nagmumula sa init sa ilalim ng lupa na pangungunahan ng Premier Geoexcel Inc sa Camarines Norte at Camarines Sur. Sa mga prubinsya ring ito balak itayo ang “wind farm” ng Copenhagen Infrastructure New Markets Fund (CINMF). Inilalako ang mga ito bilang alternatibong mapagkukunan ng kuryente o renewable energy pero hindi binabanggit ang malawakang pang-aagaw sa lupa at pinsalang dadalhin nito sa kalikasan.

Ang proyekto ng CINMF sa Bicol ang pinakamalaki sa tatlong proyektong bahagi ng pinakaunang kontrata sa renewable energy na 100% pinagmamay-arian ng mga dayuhan. Ang dalawang iba pa ay nakatakdang itayo sa Northern Samar, Pangasinan at La Union.

Magiging bahagi ng naturang mga proyekto ang konstruksyon ng mga kalsada na tatagos at sasagasa sa pusod ng kabundukan at komunidad ng Camarines Norte at Camarines Sur, na tiyak na katatampukan ng pagpuputol ng mga puno at paghukay sa lupa. Pinangangambahan ng mga residente ang malawakang pang-aagaw ng lupa, paggambala sa mga komunidad at pagpapalayas ng mga residente mula sa kanilang mga panirahan at kabuhayan.

Tulad ng iba pang mga geothermal at kahalintulad na proyekto, lilikha ng mapangwasak na “waste materials” o basura tulad ng putik na lalason sa mga katubigan sa lugar ng proyekto.

Pinsalang hatid ng dayuhang proyektong pang-enerhiya sa Bicol