Inaatasan ang lahat ng yunit sa ilalim ng Melito Glor Command na magtaas ng alerto at maghandang mag-opensiba ngayong panahon ng kapaskuhan upang salagin ang walang patid na pang-aatake ng AFP-PNP sa mga yunit ng NPA at sa masang mamamayan. Ito ay bilang pagtalima sa deklarasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 17 na […]
Dapat punitin ang ilusyong ipinalalaganap sa mga balita at sa social media na istable at nagkakaisa ang Armed Forces of the Philippines sa harap ng umiinit na tunggalian ng mga pamilyang Marcos at Duterte. Ito ay kasinungalingang gustong isubo ng mga heneral ng AFP-PNP at ng mismong GRP sa mamamayan upang pagtakpan ang mga sumisingaw […]
Ipinagbubunyi ng Melito Glor Command, sampu ng mga mandirigma nito, ang ika-60 anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM). Nagpupugay kami sa mayamang kasaysayan ng pakikibaka ng KM para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Mula Nobyembre 30, 1964, pinatunayan ng KM ang katapatan sa pagtataguyod ng rebolusyonaryong adhikain at buong pusong isinanib ang lakas at kasigasigan sa […]
Isinagawa ng AFP ang paglilipat ng 1st Infantry Battalion (dating nakapwesto sa Barangay Tongohin, Infanta, Quezon sa ilalim ng 2nd Infantry Division) sa Mindoro nito lamang Nobyembre. Ang 1st IB ay pinamumunuan ni Lt. Col. Noel Wamil. Isa ito sa mga hakbang ng rehimeng US-Marcos II upang kamtin ang hibang na target ng paglipol sa […]
Binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro sa pagbigo sa pang-aatake ng 203rd Brigade. Noong Nobyembre 5, aktibong nagdepensa ang isang yunit ng LdGC sa dalawang magkasunod na labanan sa 76th IBPA sa Barangay Villa Pag-asa, Bansud, Oriental Mindoro, bandang alas-singko ng hapon. Anim ang […]
Itinatakwil ng NPA-Southern Tagalog ang pahayag ni National Security Adviser Eduardo Año noong Agosto 19 na hindi manunumbalik ang peace talks sa pagitan ng NDFP at GRP hanggat hindi itinitigil ang armadong pakikibaka na pinamumunuan ng CPP-NPA-NDFP sa bansa. Sa esensya, hinahamon ng pasistang heneral ang armadong rebolusyonaryong kilusan na magsalong ng armas bilang kundisyon […]
Mataas na pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog kay Wally “Ka Honda/KM” Agudes, magiting na Pulang kumander ng Narciso Antazo-Aramil Command-NPA Rizal, kadre ng Partido at rebolusyonaryong asawa at ama. Si Ka KM ay pataksil na pinaslang ng 80th IBPA noong Hulyo 18, alas-10 ng gabi sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal. […]
Binabati ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog ang magigiting na Pulang kumander at mandirigma ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro sa pagbigo sa pang-aatake ng 203rd Brigade noong Hulyo 11 sa Sityo Lukban, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro, bandang 6:05 ng umaga. Tatlo ang patay sa hanay ng 203rd Brigade habang ligtas na […]
Taas-kamaong binabati ng Melito Glor Command-NPA ST ang magiting na paglaban ng mamamayang Indian sa pinaigting na pasistang pag-atake ng rehimeng Modi sa anyo ng Operation Kagaar. Sinimulang ipatupad noong Enero ang operasyong ito kung saan ang salitang Kagaar ay nangangahulugan ng “katapusan”. Bahagi ito ng Operation SAMADHAN-Prahar—isang estratehikong kontra-insurhensyang kampanyang sinimulan noong 2017 laban […]
Tulad ng Balikatan 39-24, panganib at perwisyo ang hatid ng isinagawang Marine Aviation Support Activity (MASA) 2024 mula Hunyo 3-21. Nagsisilbi ito para sa nilulutong gera ng imperyalismong US laban sa China at kung gayon, nagsasapanganib sa buhay ng mamamayang Pilipino. Ang MASA 2024 ang isa sa mga pinakamalaking ehersisyong militar sa pagitan ng mga […]