Nakatakdang tutuhugin ng kalsada ang lupain ng Triple A sa bayan ng Cawayan. Sa ilalim ng programang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT), balak ng rehimeng Marcos Jr. kasabwat ang gubernador sa Masbate na si Antonio Kho sa pagwasak sa kolektibong pagsasaka at kabuhayan ng masang magsasaka sa naturang lupain. Ang mga […]
Dapat kumilos ang masang CamNorteño at labanan ang nakaambang pagtatayo ng power plant sa bundok ng Labo–sa boundary ng Camarines Norte at Camarines Sur. Ang nasabing proyekto ay pangangasiwaan ng kumpanyang PGPCI na 100% pag-aari ng SM Investment Corporation ng pamilyang Lopez. Sasaklawin nito ang 93.34 km² ng kalupaan ng nasabing lugar. Matatandaang huling bahagi […]
Mariing kinukundena ng Armando Catapia Command NPA- Camarines Norte ang serye ng sunod-sunod na harassment at pananakot sa mamamayan ng prubinsya. Isa itong malinaw na paglabag sa karapatang-tao at paglabag sa internasyunal na makataong batas. Bukod dito, pagpapakita rin ito na higit kailan man ay hindi seryosong tupdin ng AFP-PNP-CAFGU ang batas hinggil sa karapatang-tao. […]
Pinararangalan ng Santos Binamera Command-NPA Albay sina kasamang Rizaldy Perdigon (Ka Sandro) at kasamang Allan Leron (Ka Jayson) sa magiting na pagharap sa mga kaaway ng sambayanan sa nangyaring sagupaan nitong Oktubre 3 sa Tabon-tabon, Daraga, Albay. Sina ka Sandro at ka Jayson ay walang pag-iimbot na hinarap ang katas-taasang sakripisyo para sa bayan at […]
Isang matandang babae ang pinatay ng militar sa takot. Namatay ang 80-anyos na si Amparo Maglasang Juanillo matapos walang habas na magpaputok ang mga elemento ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army sa Sityo Mabuhay, Barangay Liong, bayan ng Cataingan nito lamang Oktubre 2, 7:00 ng umaga. Nagsipagtakbuhan sa takot ang mga taga-sityo. Naiwan ang matanda sa […]
Nagpakana ng panibagong pekeng labanan ang 2nd Infantry Battalion-Phil. Army matapos walang habas na magpaputok nang walang pagtatangi sa hangganan ng Barangay Maanahao, Matubinao, Liong sa bayan ng Cataingan at Barangay Mabini sa bayan ng Palanas nito lamang Setyembre 29, 2023, 4:50 ng umaga. Walang yunit ng NPA sa pinangyarihan ng insidente. Nagdulot ng malawakang […]
Walang makapagsasalarawan sa takot na malamang ay nararamdaman ninyo ngayon. Nasasaksihan niyo ang unti-unting pagwasak sa mga bundok ng Bagulayag at Uac. Malamang ay naghahalo sa inyo ngayon ang pangamba at galit sa bawat dagundong ng bomba na ikinakanyon ngayon ng militar sa naturang mga bundok. Malamang marami sa inyo ngayon ang tumatangis matapos mawalan […]
Tuluyan nang pinakawalan ng 2nd Infantry Battalion at 96th Infantry Battalion-Phil. Army sa atas ng Filminera-Masbate Gold Project ang 46 na bomba gamit ang bagong Howitzer 105 mula sa kanilang kampo sa Barangay Panicijan, Uson upang wasakin ang bundok Bagulayag. Una nang binomba ng militar ang bundok Bagulayag na nagsimula nitong Setyembre 23-24. Araw at […]
Titiyakin ng rebolusyonaryong kilusan na makakamit ang hustisya para sa mag-asawang sina Jover “Dodo” Villegas, 40-anyos at Aimee Villegas, may apat na anak sa Sityo Basak, Barangay Luna sa bayan ng Placer nitong Setyembre 21, 2023 alas-5 ng umaga. Matapang na isinawalat ng mga kapamilya ng biktima ang tunay na pangyayari. Papunta sa kanyang kalabaw […]
Hinding-hindi makakalimutan ng masang Masbatenyo ang madilim na panahon sa ilalim ng Batas Militar ng dating diktadurang rehimeng Marcos Sr. Ang kawalan ng katarungan sa mga biktima ng karumaldumal na pamamaslang sa mga kritiko at progresibong mga sektor. Malawakang kawalan ng lupa at kabuhayan dulot ng tumigang na krisis sa bansa bunsod ng malawakang kurapsyon […]