Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Food Stamp program ng administrasyong Marcos Jr, isang malaking insulto sa masang Pilipinong nagugutom
November 04, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Tunay ngang pulubi ang pagtingin ni Marcos Jr sa bawat pamilyang nagugutom sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ito ay kasunod ng inilabas nitong Executive Order no. 44 o ang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” na kung saan ay ipinagmalaki pa ng adiministrasyon nito na isa umano sa mga mayor na programa ng gobyerno para […]

Traydor sa rebolusyon, pinarusahan ng kamatayan
October 14, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Napatay si Rey Esposado alyas Rigor sa operasyong partisano na isinagawa ng NPA ngayong araw, Oktubre 14, 3:30 ng hapon, sa sabungan ng Barangay Ginlajon, Sorsogon City. Pagpapatupad ito ng parusang kamatayan na inihatol sa kanya ng Probinsyal na Hukumang Bayan sa kasong pagtataksil sa rebolusyon. Si Esposado ay kabilang sa grupo ng mga gerilyang […]

Nagpapatuloy na kampanyang teror ng AFP-PNP-CAFGU sa nalalapit na halalang pambarangay
October 14, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sinalakay ng 15 elemento ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army ang barangay tanod at kumakandidatong kagawad sa Barangay Matubinao na si Ariel Urag noong Oktubre 12, alas-7 ng umaga. Sinakal si Urag, isinubsob sa lupa at pinagbantaang papatayin kapag nagbukas pa ng cellphone. Ang pananakit at pambabanta kay Urag ay tiyak na bahagi sa kampanya ng […]

Tutulan ang pagwasak ng rehimeng Marcos Jr at Gubernador Antonio Kho sa kolektibong pagsasaka ng mga magsasaka sa lupain ng Triple A
October 14, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nakatakdang tutuhugin ng kalsada ang lupain ng Triple A sa bayan ng Cawayan. Sa ilalim ng programang Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT), balak ng rehimeng Marcos Jr. kasabwat ang gubernador sa Masbate na si Antonio Kho sa pagwasak sa kolektibong pagsasaka at kabuhayan ng masang magsasaka sa naturang lupain. Ang mga […]

Magkaisa at labanan ang tiyak na pasismong kakambal ng muling pagpasok ng mapaminsalang Labo Geothermal Project ng Philippine Geothermal Production Company, Inc. (PGPCI) sa prubinsya ng Camarine Norte!
October 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Dapat kumilos ang masang CamNorteño at labanan ang nakaambang pagtatayo ng power plant sa bundok ng Labo–sa boundary ng Camarines Norte at Camarines Sur. Ang nasabing proyekto ay pangangasiwaan ng kumpanyang PGPCI na 100% pag-aari ng SM Investment Corporation ng pamilyang Lopez. Sasaklawin nito ang 93.34 km² ng kalupaan ng nasabing lugar. Matatandaang huling bahagi […]

Serye ng mga paglabag sa karapatang-tao sa Camarines Norte, manipestasyon ng nag-uulol na NTF-Elcac na makapagtala ng mga pekeng surrender sa prubinsya
October 09, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Armando Catapia Command NPA- Camarines Norte ang serye ng sunod-sunod na harassment at pananakot sa mamamayan ng prubinsya. Isa itong malinaw na paglabag sa karapatang-tao at paglabag sa internasyunal na makataong batas. Bukod dito, pagpapakita rin ito na higit kailan man ay hindi seryosong tupdin ng AFP-PNP-CAFGU ang batas hinggil sa karapatang-tao. […]

Pagpupugay Ka Sandro at Ka Jayson!
October 04, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Albay (Santos Binamera Command) | Florante Orobia | Spokesperson |

Pinararangalan ng Santos Binamera Command-NPA Albay sina kasamang Rizaldy Perdigon (Ka Sandro) at kasamang Allan Leron (Ka Jayson) sa magiting na pagharap sa mga kaaway ng sambayanan sa nangyaring sagupaan nitong Oktubre 3 sa Tabon-tabon, Daraga, Albay. Sina ka Sandro at ka Jayson ay walang pag-iimbot na hinarap ang katas-taasang sakripisyo para sa bayan at […]

Sa pagkakaisa at paglaban lamang maipagtatanggol ng mga Masbatenyo ang kanilang buhay at kinabukasan
October 02, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Isang matandang babae ang pinatay ng militar sa takot. Namatay ang 80-anyos na si Amparo Maglasang Juanillo matapos walang habas na magpaputok ang mga elemento ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army sa Sityo Mabuhay, Barangay Liong, bayan ng Cataingan nito lamang Oktubre 2, 7:00 ng umaga. Nagsipagtakbuhan sa takot ang mga taga-sityo. Naiwan ang matanda sa […]

Dala ng 2nd IBPA at 96th IBPA ang pasakit na hatid ng rehimeng US-Marcos Jr sa mga Masbatenyo
October 01, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Nagpakana ng panibagong pekeng labanan ang 2nd Infantry Battalion-Phil. Army matapos walang habas na magpaputok nang walang pagtatangi sa hangganan ng Barangay Maanahao, Matubinao, Liong sa bayan ng Cataingan at Barangay Mabini sa bayan ng Palanas nito lamang Setyembre 29, 2023, 4:50 ng umaga. Walang yunit ng NPA sa pinangyarihan ng insidente. Nagdulot ng malawakang […]

Para sa masang Masbatenyong apektado ng panganganyon at iba pang biktima ng terorismo ng AFP-PNP-CAFGU sa Masbate
September 23, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Walang makapagsasalarawan sa takot na malamang ay nararamdaman ninyo ngayon. Nasasaksihan niyo ang unti-unting pagwasak sa mga bundok ng Bagulayag at Uac. Malamang ay naghahalo sa inyo ngayon ang pangamba at galit sa bawat dagundong ng bomba na ikinakanyon ngayon ng militar sa naturang mga bundok. Malamang marami sa inyo ngayon ang tumatangis matapos mawalan […]