Archive of Madaay Gasic | Spokesperson

Biguin ang imbing pakana ng rehimeng Marcos-Duterte na baluktutin ang kasaysayan at maningning na pakikibaka ng mamamayan laban sa Martial Law
September 16, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Sukdulan ang pagkundena ng Lucio De Guzman Command-NPA-Mindoro ang garapal na pakana ng rehimeng US-Marcos-Duterte na burahin ang kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan noong panahon ng Diktadurang Marcos. Kasuklam-suklam ang memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ng berdugong si Sara Duterte na nagtatanggal sa salitang “Marcos” upang isalarawan ang Diktadurang Marcos […]

Demokratikong Rebolusyong Bayan ang tanging solusyon sa paglutas ng ugat ng kahirapan at armadong tunggalian
July 28, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pawang buladas lamang ang binanggit ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II na mga “tagumpay” sa kanyang ikalawang SONA. Tulad ng inaasahan, puros kahibangan at delusyon lang ang sinambit ng rehimen kaugnay sa tunay na kalagayan ng bansa. Bilang beteranong salamangkero, lumikha ito ng ilusyon na sa isang taon, naihatid ng kanyang rehimen ang pagbabago at kaunlaran […]

Rebolusyonaryong Hustisya Nakamit ng Mangyan-Buhid sa Matagumpay na Ambus Laban kay Private Mayuay Onaw ng 203rd Brigade
May 06, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Bumubula ng kasinungalingan ang bibig ng 203rd Infantry Brigade (203rdBde) sa pamumuno ni BGen Randolph G. Cabangbang sa paghahabi ng kwento kaugnay sa matagumpay na ambus ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) noong Abril 25. Tinambangan ng isang yunit ng LDGC ang isang tim ng 4IB kung saan […]

Ambus sa isang tim ng 4th IBPA, matagumpay na inilunsad ng LDGC!
April 28, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Matagumpay na inambus ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) ang tatlo-kataong tim ng 4th IBPA sa Lipitan, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro sa ganap na ika 6:00 ng hapon ng Abril 25. Napatay si Pvt. Mayu-ay Onaw habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan. Nasamsam ang service firearm […]

Labanan ang agresyon ng US at ang pagpapakatuta ng ilehitimong US-Marcos II gamit ang trahedyang oil spill sa Mindoro! Rehabilitasyon at agarang ayuda, hindi militarisasyon!
March 31, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Sa gitna ng dislokasyong nililikha ng oil spill sa Mindoro, kinokondena ng LDGC-NPA Mindoro ang makadayuhan at militaristang hakbanging ipinatutupad ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II sa kampanyang paglilinis at rehabilitasyon ng karagatan ng Oriental Mindoro dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Naging tuntungan ang oil spill upang tusong maipasok ang mga pwersang militar ng […]

2 SAF, patay sa matagumpay na aktibong depensa ng Lucio De Guzman Command - NPA - Mindoro
March 16, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Dalawang (2) pwersa ng Special Action Force (SAF) ng PNP-MIMAROPA ang nasawi matapos ang isinagawang aktibong depensa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) laban sa isang kolum ng nakapokus na operasyon ng 10tn Special Action Force Battalion at 203rd Brigade sa Sitio Naksib, Brgy. Sta Cruz, bayan ng […]

Biguin ang terorismo at kampanyang disimpormasyon ng pasistang AFP-PNP-MIMAROPA!
January 28, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Desperadong umaawit ng lumang tugtugin ang mga opisyal ng pasistang AFP-PNP-MIMAROPA sa kanilang pagmamalaki ng pekeng balita ng pagsuko ng 46 miyembro ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) nitong Enero 22. Isa na naman itong gasgas na pakana upang maghasik ng mabangis na kampanyang saywar sa hanay ng mamamayang Mindoreño. Sinungaling […]

Dakilain ang buhay at pakikibaka ni Kasamang Jose Maria Sison, martir at bayani ng rebolusyon, tunay na tagapagtaguyod ng kapayapaan!
December 19, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pulang saludo at taas kamaong pagpupugay at parangal ang ipinapaabot ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) kay Kasamang Jose Maria Sison o Ka Joma, Tagapangulong Tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas – Marxismo-Leninismo-Maoismo (PKP-MLM), sa kanyang hindi matatawarang ambag sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino upang makamit ang kalayaan! Pumanaw si Ka […]

Ang utak-pulburang AFP ang tunay na balakid sa mapayapang Pasko ng mamamayang Pilipino
December 16, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Katawa-tawa ang buladas ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng berdugong Armed Forces of the Philippines (AFP), sa hindi nito pagrekomenda ng tigil-putukan (ceasefire) sa pagitan ng CPP-NPA-NDFP sa paparating na panahon ng Kapaskuhan. Buong kayabangan nitong sinambit na hindi na dapat pang pag-usapan ang pagpapanukala ng tigil-putukan dahil wala na silang makausap na tumatayong lider […]

Panagutin ang teroristang 203rd Brigade sa walang habas na pamamaril at pambobomba sa Rizal, Occidental Mindoro!
November 06, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Dapat panagutin ang berdugong 203rd Brigade (Bde) sa patuloy na paghahasik ng terorismo sa mamamayang Mindoreño. Inistraping ng mga palalong militar ang kapatagan ng Barangay Limlim (Rizal), Aguas, at Pitogo ng Rizal, Occidental Mindoro, 01:00 ng madaling araw ng Nobyembre 6. Nagpasabog ang mga ito ng 2 bala ng M203 na sinundan ng walang patumanggang […]