Ngayong araw ang ika-28 na anibersaryo ng pagpaslang kay Flor Contemplacion, isang Pilipinang domestic worker sa Singapore na binitay nang walang demokratikong paglilitis at maging suporta mula sa gubyerno ng Pilipinas. Isa si Flor sa libu-libong Pilipino na piniling makipagsapalaran sa ibang bansa sa pagnanais na makamit ang maginhawang buhay para sa pamilya na pilit […]
Nagbibigay pugay ang National Democratic Front — Laguna sa lahat ng kababaihang anakpawis at rebolusyonaryo na tinatahak ang landas ng panlipunang pagbabago tungo sa isang lipunang pantay at mapagpalaya. Sa nagdaang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, pinakita ng mga militante at progresibong kababaihan ang kanilang tapang at paninindigan para ipaglaban ang kanilang mga demokratikong karapatan. […]
Rebolusyonaryong pagbati at pakikiisa ang alay ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan Laguna (MAKIBAKA Laguna) sa hanay ng kababaihang nakikibaka sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo ngayong Pandaigdigang Buwan ng Kababaihang Anakpawis. Higit sa isang pagdiriwang, ang Pandaigdigang Buwan ng Kababaihang Anakpawis ay kumikinang na simbolo ng parte na ginagampanan ng kababaihan sa […]
Nakikiisa ang mga rebolusyonaryong guro at kawaning akademiko sa ilalim ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA) sa paglaban ng mga tsuper at buong sambayanan laban sa kontra-mahirap at kontra-mamamayang Public Utility Vehicle Modernization Program na sinusulong ng pangkating Marcos-Duterte. Ipinapaabot ng KAGUMA ang taas-kamaong pagpupugay sa matagumpay na tigil-pasada na ikinasa nitong Marso 6, […]
Mainit na pagbati ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) para sa lahat ng kababaihan ngayong Marso Otso, Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis! Sa kasalukuyang kalagayan na napakatindi ng pang-ekonomiyang krisis at higit na pinatitindi pa dahil sa walang habas na terorismo at pasismo ng estado, walang ibang susulingan ang kababaihan kundi ang […]
Ang Katipunan ng mga Gurong Makabayan ay nagpupugay at tumitindig kasama ang mga kababaihang anakpawis na patuloy na nagsusumikap na mabuhay sa ilalim ng mala-pyudal at mala-kolonyal (MKMP) na lipunan. Mayorya ng populasyon sa bansa ay binubuo ng kababaihang anakpawis ngunit 39% lamang ng kababaihan ang nasa pwersa ng paggawa dahil ang marami sa kanila […]
Rambakan tayo ti Internasyunal nga Aldaw ti Kababaihan nga Anakling-et ita a Marso 8. Intay pay papigsaen ti intar tayo a sumaranget kadagiti dumakdakkel a karit iti panangiyabante ti rebolusyonaryo a dangadang ti umili a Pilipino iti sango ti rumungrungsot a pasismo ti rehimen US-Marcos ken panag-uneg ti krisis ti malakolonyal ken malapyudal a gimong. […]
Ipagdiwang natin ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis ngayong Marso 8. Atin pang palakasin ang ating hanay na sasagupa sa lumalaking hamon ng pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino, sa harap ng bumabangis na pasismo ng rehimeng US-Marcos at paglalim ng krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Saluduhan natin ang mga kababaihang Pulang […]
Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, nananawagan ang MAKIBAKA – Masbate sa kababaihang Masbatenyo na magbangon at magkaisa sa landas ng armadong pakikibaka! Makatwiran para sa kababaihang Masbatenyo na lumaban. Sa pag-iral ng batas militar sa Masbate, tumindi pa ang malaon na nilang dinaranas na pang-aapi’t pagsasamantala. Sa ilalim ng militarisadong Masbate, ibayong lumaganap […]
Mapulang pagbati ang ipinararating ng NDFP-ST sa Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), kasama ang lahat ng kababaihan sa Timog Katagalugan at buong Pilipinas, sa pagdiriwang ng ika-111 Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis. Minarkahan ang araw na ito na Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis bilang paggunita sa makasaysayang pagmartsa ng 15,000 kababaihan noong 1908 sa […]