Archive of NDF-Masbate

Abutin ang pinakamalawak na suporta upang ilantad ang walang habas na pambobomba ng 2nd IBPA at Filminera Resources Corporation sa kabundukan ng Masbate
September 24, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Araw-gabi ang ginawang pagbomba ng 2nd Infantry Battalion Phil. Army sa bundok ng Bagulayag, Uac at Irong-irong sa bayan ng Uson, Mobo at Milagros. Una nang winasak ng mga bomba ang Mt. Bagulayag na nagsimula bandang alas-10 ng umaga hanggang 12 ng tanghali at mula alas-7 hanggang alas-8 ng gabi nitong Setyembre 23. Kinabukasan, Setyembre […]

Hindi dapat tumigil sa pagtuligsa ang masang Masbatenyo para tuluyang maurong ang planong pagbomba sa kabundukan ng Masbate
September 17, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Kahanga-hanga ang ipinamalas na kapangahasan ng mga residente at mga upisyal ng barangay sa mga bayan ng Milagros, Uson at Mobo na hindi nagpatinag sa pambabanta ng militar upang pumayag na bombahin ang bundok ng Bagulayag at Uac. Sa halip, nagsikap silang pangibabawan ang kanilang takot at iniulat sa kinauukulan ang planong pagwasak sa kanilang […]

Tiyak na pagbabayaran ng AFP-PNP-CAFGU ang mga krimen nito ng pagpatay sa masang Masbatenyo
September 10, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Pinatay ng mga elemento ng militar ang magsasakang si Naldo Canama sa So. Angkay, Brgy. Tubog sa bayan ng Cawayan noong Setyembre 7. Lulan ng motorsiklo ang tatlong armadong elementong bumaril-patay kay Canama. Si Canama ang ika – 19 na naidokumentong biktima ng pampulitikang pamamaslang sa prubinsya sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. Nagkakamali ang […]

Maging patas! Imbestigahan ang ginawang pagdamay ng 96th IB at PNP sa sibilyang kababaihan sa nangyaring engkwentro sa bayan ng San Jacinto
September 06, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Masbate |

Dapat pag-isipan ni Hon. Glenda L. Villahermosa, munisipal Mayor ng Monreal, Masbate ang kanyang pahayag na imbis na sisihin ang mga sibilyang kababaihan na sina Divina Ajitan Lobiano, Sheryl Dejomo Salazar at Jenlyn Guis Matimtim na idinamay ng 96th IB at PNP sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila at NPA sa barangay Jagnaan, San Jacinto […]

Duguan ang kamay ni NTF-ELCAC Vice Chair Sara Duterte at ang DepEd sa pagkakapaslang ng menor-de-edad na si Carling Belan sa kamay ng militar
June 21, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Katipunan ng mga Gurong Makabayan-Masbate |

Sa pagbibigay-katwiran ng militarisasyon sa mga eskwelahan at pagsuporta sa teroristang adyenda ng militar, may pananagutan si Duterte, ang DepEd at ang CHR sa pagkakapaslang ni Belan at sa tangkang pagmasaker sa kanyang mga kasamahan sa Barangay Calabad, bayan ng Dimasalang noong Hunyo 16. Pinakamarumi ang kamay ng junior pasistang si Duterte. Sa kanyang pag-upo […]

Tangkang pagpatay ng teroristang AFP sa isang barangay upisyal mariing kinundena ng masang Masbatenyo
June 21, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Ipinapaabot ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid sa Masbate ang pakikiisa sa masang Masbatenyo sa pagkundena sa mga teroristang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tangkang pagpatay sa barangay Kapitan na si Rudolfo Ygot, 41-anyos noong Hunyo 18, 2023 alas-9 ng gabi sa sarili nitong pamamahay sa Barangay Barag, Mobo. Isa si Ygot […]

Palakasin ang kilusan ng kababaihan sa hanay ng mga manggagawa
May 01, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Masbate |

Ngayong araw, sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, ipinapaabot ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan – Masbate ang mahigpit na pakikiisa sa mga manggagawa, laluna sa mga kababaihan. Maraming manggagawa ang nagmula sa hanay ng kababaihan. Sa Masbate, karamihan sa manggagawang kababaihang Masbatenyo ay galing sa uring maralitang magsasaka o manggagawang bukid. Dinaranas nila ang […]

Pangalagaan at protektahan ang kalikasan! Palayasin ang mapaminsalang Filminera at iba pang makadayuhang proyekto sa Masbate
April 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Nakikiisa ang Pambansang Katipunan ng Magbubukid – Masbate (PKM – Masbate) kasama ang mamamayang Masbatenyo sa paggunita sa Earth Day ngayong araw, Abril 22, 2023. Sa mga nakalipas na taon, naranasan sa Masbate ang magkakasunod at tumitinding hagupit ng kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, landslide at lindol. Daan-daang residente ang napalikas mula sa kanilang mga […]

Ilantad at itakwil ang huwad at nakalalasong programang pambarangay ng NTF-ELCAC! Isulong ang rebolusyonaryong pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa at makabuluhang pagbabago!
April 20, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

  Download here: PDF Nagbabadyang dumating sa ating mga komunidad ang kunwari’y kaunlarang hatid ng militar, ng DILG at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa ilalim ng Barangay Development Program o BDP. Milyong halaga umano ng proyekto ang ibibigay ng gubyerno sa kada barangay na wala nang presensya ng NPA. […]

Hindi matutumbasan ng ilandaang palabas na tropa ang daan-daang libong Masbatenyong sumusuporta sa armadong pakikibaka
March 31, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Masbate | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Masbate |

Sa atas ni Marcos Jr., inilulunsad ng Joint Task Force Bicolandia ang isa pang bugso ng atake ng militar sa Masbate. Para sa aming mga magsasaka, wala nang bago sa pakanang ito lalupa’t ilang taon nang umiiral ang batas militar sa prubinsya. Aral sa mga naunang tangka ng naghaharing-uri na durugin ang rebolusyonaryong paglaban ng […]