Mataas ang diwang bumabati ang balangay ng mga rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna sa ika-59 na anibersaryo ng ating pinakamamahal na organisasyon ng Kabataang Makabayan. Mahaba na ang liko-likong landas na tinahak ng ating dakilang organisasyon. Ang KM ang isa sa mga unang organisasyon ng mga kabataan na bumasag sa katahimikan noong 1960s laban […]
Kami, ang mga kasapi ng MINDORO (rebolusyonaryong organisasyon ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro) ay nakikiramay sa pamilya at kamag-anak nina Ka Tagub/Roche at Ka Teng/NY/MC. Sila ang mga tunay na mártir at bayani ng Hanunuo Mangyan na inialay ang kanilang kaisa-isang buhay upang ipaglaban ang lupaing ninuno at karapatan sa pagpapasya sa sarili ng […]
Ikinagagalak ng buong Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU-NDF-ST) at ng buong masang manggagawa sa Timog Katagalugan ang Oslo Joint Statement para muling buksan ang peace talks sa pagitan ng GRP at NDFP. Ang Oslo Joint Statement ay nilagdaan ng Negotiating Panel ng NDFP at ng GRP noong Nobyembre 23, 2023 sa Oslo, Norway. Produkto […]
Ngayong ika-59 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at ika-160 kaarawan ng dakilang rebolusyonaryong bayani at kabataan na si Gat Andres Bonifacio, halina’t pag-aralan ang natatanging tungkulin at ambag ng mga kabataan sa pagsusulong ng armadong rebolusyon para sa pagpapalaya ng bayan! 127 taon na ang nakararaan, inihudyat ng mga katagang “Punitin ang sedula!” ang pagsisimula ng […]
Pinakamataas na pagpupugay ang iniaalay ng National Democratic Front of the Philippines-Rizal kay Kasamang Josephine “Sandy” Mendoza. Isang mahusay na proletaryong lider, kadre ng Partido at matatag na haligi ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Timog-Katagalugan. Siya ay kagawad ng Komite Sentral ng Partido at ikalawang pangalawang kalihim ng Komiteng Rehiyon. Sa kanyang pagpanaw noong […]
Mariing kinukundena ng National Democratic Front of the Philippines-Cavite (NDFP-Cavite) ang nagpapatuloy na paninindak at sarbeylans ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa mga aktibista ng mga progresibong organisasyon sa lalawigan ng Cavite. Nitong buwan ng Nobyembre ay sunod-sunod ang mga ulat ng sarbeylans, profiling at paninindak ng AFP-PNP. Nobyembre 15, […]
Ang Artista at Manunulat ng Sambayanan-Rizal ay taos-kamaong nagpupugay kina Kasamang Jethro Isaac “Ka Pascual” Ferrer at Kasamang Peter “Rochie” Rivera. Sila ay mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan at mga kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas. Ibinuwal man sila nang pataksil ng mga buhong na kaaway ay naging tapat sila at nanindigan para […]
Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng NDFP-ST kay Josephine “Ka Sandy” Mendoza, isang ulirang lider ng rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan. Namartir siya bunsod ng isang karamdaman. Ang kanyang walang pag-iimbot na paglilingkod sa masang Pilipino ay punumpuno ng maniningning na alaala at aral na nagbibigay-inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon ng mga rebolusyonaryo. Hamon sa mga […]
Sampu ng buong kilusang rebolusyonaryo sa Palawan, nagpupugay ang National Democratic Front-Palawan at lahat ng yunit ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa dakilang buhay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza. Si Ka Sandy ay isang dakilang pinuno at gabay ng rebolusyon sa Palawan. Sa rehiyong Timog Katagalugan, tumayo siyang ikalawang pangalawang kalihim ng Partido, at sa buong bansa bilang kagawad ng Komite Sentral. Pumanaw siya sa sakit noong Nobyembre 10, sa edad na 59.
Nakikiisa ang buong Revolutionary Council of Trade Unions-National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) sa pagdadalamhati ng kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kasama, mga rebolusyonaryong pwersa at inaaping masa sa rehiyon sa pagpanaw ng ating mahusay na pinuno at proletaryong lider sa Rehiyon na si Ka Sandy. Sa gitna ng ating pagdadalamhati ay iginagawad […]