Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Suportahan ang rebolusyon sa India!
December 21, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nakikiisa ang Melito Glor Command-NPA ST sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Liberation Guerrilla Army (PLGA), ang Pulang hukbo ng Communist Party of India (Maoist). Sinasaluduhan namin ang magigiting na Pulang kumander at mandirigma ng PLGA na patuloy na nagpupunyagi sa kanilang rebolusyon para ibagsak ang rehimeng US-Modi at hawanin ang landas […]

Katarungan sa Malalay 8! Dakilain ang kabayanihan ng mga kasamang nagbuwis ng buhay para sa mamamayang Batangueño!
December 19, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng Eduardo Dagli Command (EDC)-NPA Batangas ang kabayanihan ng anim na mga kasamang kadre ng Partido at pulang mandirigma ng NPA Batangas na sina Baby Jane “Ka Binhi” Orbe, Leonardo “Ka Mendel” Manahan, Maria Jetruth “Ka Orya” Jolongbayan, Joy “Ka Kyrie” Mercado, Precious Alyssa “Ka Komi” Anacta, at Allyssa “Ka Ilaya” Lemoncito. Kasama ding […]

Mga yunit ng NPA sa TK, ipatutupad ang 4-araw na tigil-putukan
December 18, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Sang-ayon sa atas ng Komite Sentral ng CPP, ipatutupad at iniaatas ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa lahat ng mga yunit ng NPA sa ilalim nito na sundin ang unilateral na deklarasyon ng tigil-putukan (ceasefire) sa sumusunod na araw: sa Disyembre 25 (mula 12:00 ng madaling araw) hanggang Disyembre 26 (11:59 ng gabi); at […]

Balitang nahukay na mga sandata ng mga NPA, inimbento, fake news at recycled ng 2nd ID at 59th IB
December 16, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Hindi na bago at nakakagulat ang katawa-tawang pagpo-post sa Facebook page ng 2nd ID PA ni Major General Ramon Zagala at ng PEKENG PROTEKTOR batalyong 59th IB sa kanilang muling pagkakalat ng mga fake news. Namumulot ng basura para i-recycle ang mga balita ng mga nahukay na bomba, baril, bala, magasine, ammo pouch, pack bag […]

Ipaglaban ang karapatang pantao, labanan ang pasistang panunupil ng reaksyunaryong estado! Ibagsak imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo!
December 10, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Ginugunita natin ngayong araw ang ika-77 taon ng deklarasyon ng pandaigdigan araw ng karapatang pantao. Mula nang ideklara ng United Nations (UN) noong ika 10 ng Disyembre 1948, nanatili pa ding ipinagkakait ang karapatang pantao (sibil at pulitikal) ng mamamayan sa rehiyong timog katagalugan at sa buong bansa. Dito sa lalawigan ng Batangas lamang, pinatindi […]

Bomb threat sa Dasmariñas, walang kaugnayan sa NPA
December 02, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Mariing pinabubulaanan at kinukundena ng Melito Glor Command (MGC)-New People’s Army Southern Tagalog ang bomb threat na kumakalat ngayon sa social media na ipinangalan pa sa NPA-Cavite at nagbantang pasasabugan ang dalawang building sa Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas, Dasmariñas Arena at Dasmariñas Grandstand sa buktot na dahilang ginagamit na prente ang mga naturang proyekto […]

Mamamayang Mindoreño, isulong sa mas mataas na antas at dalhin sa tagumpay ang di pa natatapos na rebolusyon ni Bonifacio!
December 01, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Maalab na pakikiisa at pagbati sa nakikibakang mamamayan ang ipinapaabot ng Lucio De Guzman Command-NPA Mindoro ngayong ika-162 na kaarawan ni Andres Bonifacio—tagapagtatag ng Katipunan at ama ng lumang pambansa-demokratikong rebolusyon sa Pilipinas. Matapos ang 129 taon simula ng ilunsad nina Gat. Andres Bonifacio ang himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol, dumadanas ng walang kaparis na […]

Biguin ang kampanyang supresyon at maglingkod sa bayan sa landas ng rebolusyon
November 30, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang Kabataang Makabayan sa ika-61 anibersaryo nito. Taas kamao kaming nagpupugay sa kapangahasan at kasigasigan ninyong sumuong sa pakikibaka at pangunahan ang iba’t ibang pagkilos upang tutulan at labanan ang laganap na korapsyon ng rehimeng US-Marcos II. Libu-libo ang lumalahok na kabataan sa mga mobilisasyong kontra-korapsyon at kasabay […]

2 sundalo ng 76th IB napatay, iba pa nasugatan, sa engkwentrong labanan sa NPA-Mindoro
November 27, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Sinasaluduhan ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro ang mga Pulang mandirigma na magiting na nakipaglaban sa mga pasistang 76th IB sa isang engkwentrong labanan noong Nobyembre 26, bandang alas-11 ng umaga sa Sityo Balite, Barangay Lumangbayan, Abra de Ilog Occidental Mindoro. Habang naglalakad ang yunit ng NPA, nakaengkwentro nito ang nag-ooperasyong 76th IBPA, mabilis na […]

ELCAC-Serbisyo Caravan sa Sablayan, hindi para sa mga Katutubong Mangyan kundi para sa mapandambong na Mindoro Nickel Project!
November 23, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Mapanlinlang at punung-puno ng pasismo ang inilunsad na ELCAC-Serbisyo Caravan ng 68th IBPA at NTF-ELCAC sa mga hulong sityo ng Barangay Pag-asa, Sablayan, Occidental Mindoro noong Nobyembre 16-18. Ipinangalandakan ng berdugong batalyon ang kanilang pagsisikap na abutin ang kahulu-huluan ng naturang baryo para maghatid diumano ng serbisyo at ilayo ang mga katutubong Alangan at Iraya […]