Ipaglaban ang karapatang pantao, labanan ang pasistang panunupil ng reaksyunaryong estado! Ibagsak imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo!
Ginugunita natin ngayong araw ang ika-77 taon ng deklarasyon ng pandaigdigan araw ng karapatang pantao. Mula nang ideklara ng United Nations (UN) noong ika 10 ng Disyembre 1948, nanatili pa ding ipinagkakait ang karapatang pantao (sibil at pulitikal) ng mamamayan sa rehiyong timog katagalugan at sa buong bansa.
Dito sa lalawigan ng Batangas lamang, pinatindi ng estado ang malawakang paglabag sa karapatang pantao dulot ng pananalasa ng NTF-ELCAC at berdugong AFP sa pangunguna ng 59th IBPA-CAFGU-PNP na tinaguriang “protector battalion”.
Katuwang ng mga PML ang berdugong militar sa malawakang pagpapalayas sa mga magsasaka at mamamayang nasasakupan ng Hacienda Roxas at ng iba pang mga hacienda sa lalawigan. Sila din ang katuwang ng mga kapitalista para supilin ang mga manggagawa na nagnanais lamang na mapabuti ang kanilang kalagayan sa paggawa sa pamamagitan ng nakabubuhay na sahod, regular na trabaho at mataas na benipisyo.
Kung ating babalikan, napakahaba na ng listahan ng krimen at kalupitang inihahambalos ng rehimeng US BBM at berdugong militar.
Noong July 18, 2022 matapos ang isang labanan sa pagitan ng yunit ng NPA at militar sa sityo Amatong Barangay Guinhawa, Taysan, Batangas, walang awang pinagbabaril ng mga berdugong AFP ang mag-amang Casao na noo’y nasa bukid. Kahit na nagmamakaawa at nagpakilalang mga sibilyan, walang habas pa ring pinaulanan sila ng bala na nagresulta ng pagkasawi ni Kyline Casao, 9 na taong gulang. Para pagtakpan ang kanilang kabuktutan, pinalabas na nadamay sa labanan samantalang nasa 2 kilometro ang layo nito sa naganap na engkwentro. Tinakot ang pamilya ni Kyline at isinama sa kampo upang hindi makapagreklamo at makapagsampa ng kaso laban sa berdugong 59th IB PA.
Ganito din ang nangyari sa Barangay Cahil, Calaca City, Batangas. Pinagbabaril ng nag-ooperasyong berdugong 59th IB si G. Maximino Digno na may sakit sa pag iisip at pinalabas na kasapi ng NPA na naka-engkwenteo nila.
Noong Marso 7, 2021, naganap ang “Coplan Asval” na nagresulta ng madugong masaker sa timog katagalugan. Na ikinasawi ng 9 na indibidwal at iligal na ikinulong ang anim na mga lider masa’t aktibista. Kabilang sa pinaslang ang mag-asawang Ariel at Chai Lemita Evangelista na lider ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwawasak ng Kalikasan at Kalupaan (UMALPAS KA) sa Barangay Calayo, Nasugbu, Batangas. Kasama sa mga gustong gawing biktima ay mga lider peasante na sina Erlindo Baez at Wilfredo Capareño na nagkataong wala sa ni-reyd nilang bahay pero kalaunan ay iligal na inaresto din sa Sariaya, Quezon.
Upang pagtakpan ang kanilang krimen, karaniwang pinalalabas ng mga berdugong PNP-CIDG at militar ng 59th IB na ang kanilang mga napaslang ay mga kasapi ng NPA na nanlaban sa otoridad o kaya naman ay nadamay sa mga naganap na labanan at kung minsan ay gagawing alibi na mga NPA ang makabaril kagaya ng agarang pagbibintang nila sa NPA ng paslangin nila si Kyline Casao.
Tigmak ng dugo ang mga kamay ng militar at PNP, na mga aktibong nayarang goons at instrumento ng reaksyunaryong estado at mga naghaharing uri sa lalawigan. Sila ang mga naghahasik ng karahasan laban sa mamayan na lumalaban upang ipagtanggol ang kanilang kabuhayan, tirahan at batayang mga karapatan.
Malawakan at nagpapatuloy pa din ang ginagawang pananakot sa mga lider masa at organisador sa lalawigan. Laganap ang “red tagging” sa mga kilalang lider sa hayag na kilusan, kasama sina Ayrene at Edu Marasigan ng mga lokal na lider ng AMK at mga bolunter nito na sina Hailey Pecayo at Ahla Fortuno na binansagang mga namumundok, makakaliwa at NPA ng isang Sgt. Marasigan. Maging sa burol ng namatay na tatay ni B. Ahla ay hindi nilubayan ng pasistang militar ang panghaharas. Pinipilit syang kausapin sa mismong lamay nang nagpakilalang Sgt. Alarde na gusto syang pwersahang pasukuin bilang isang kasapi daw NPA.
Sa ngalan ng batbat ng korapsyon at hungkag na programang E-Clip sapilitang pinasusuko at pinagbabantaang kakasuhan sa ilalim ng Anti Terrorism Law (ATL) at makukulong ng 20 taon kapag hindi sumuko. Kapag nagpalinis ng pangalan ay pinapangakuang bibigyan ng kabuhayan subalit kakarampot na bigas at kaunting groceries lamang ang iniaabot habang bilyon-bilyong pondo nito ang napupunta sa bulsa ng mga opisyales ng militar.
Malinaw na ang ganitong programa ng NTF ELCAC at berdugong AFP ay nagiging palabigasan ng matataas na upisyal nito.Wala itong ipinag iba sa nalantad na malawakang anomalya sa mga flood control project, kung saan nabunyag ang bilyon bilyong pondo na kinurakot ng mga nasa kapangyarihan sa pangunguna ng Rehimeng US Marcos II at ng kanyang bise-presidente na si Sarah Duterte.
Walang maasahan ang mamamayang Batangueno na makamit nila ang ang kanilang mga batayang karapatan bilang tao dahil kailanman hindi ito kinikilala ng reaksyunaryong estado.
Nanawagan ang NPA Batangas sa mamamayang Batangueno na tumindig, lumaban at yakapin ang armadong pakikibaka upang itaguyod ang Demokratikong Gubyernong Bayan.Tanging sa pamamagitan lamang ng sama samang pagkilos at paglahok sa armadong rebolusyon makakamit ang tunay na hustisya.
Makakaasa ang mamamayang Batangueno na gagampanan ng inyong tunay na hukbo sa ilalim ng Eduardo Dagli Command-NPA Batangas ang kanyang tungkuling ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan.
Kung walang hukbong bayan, wala ni anuman ang mamamayan.
Mabuhay ang mamamayang Batangueno!
Ipagtanggol ang karapatang pantao!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!