Balitang nahukay na mga sandata ng mga NPA, inimbento, fake news at recycled ng 2nd ID at 59th IB
Hindi na bago at nakakagulat ang katawa-tawang pagpo-post sa Facebook page ng 2nd ID PA ni Major General Ramon Zagala at ng PEKENG PROTEKTOR batalyong 59th IB sa kanilang muling pagkakalat ng mga fake news.
Namumulot ng basura para i-recycle ang mga balita ng mga nahukay na bomba, baril, bala, magasine, ammo pouch, pack bag at iba pang gamit ng NPA tulad ng ipinalabas nilang balita kahapon.
Scripted, walang katotohanan at pakitang-gilas lamang ng AFP at PNP ang pekeng balita ng pagkakahukay di-umano ng mga gamit pandigma ng NPA sa Rosario, Batangas. Malinaw pa sa sikat ng araw sa silangang Batangas ang panloloko ng di umano’y “matagumpay” na pagkarekober ng mga nakatagong armas ng NPA na itinuro “daw” ng mga concerned citizens at mga ex-NPA na hindi nakapag panibagong-hubog at mga walang-hiya kaya napilitang umalis sa NPA.
Nakukulangan pa yata si Major General Ramon Zagala at mga opisyal ng 59th IB sa milyun-milyong pondong nakukurakot nila mula sa bilyun-bilyong pisong pondo na kinulimbat ng NTF-ELCAC NAP-UPD. Parang hindi sumasapat ang pondong ninanakaw nila sa kabang-yaman mula sa E-CLIP at BDP, kaya panay pa ang paghahanapbuhay nito sa pamamagitan ng pekeng pagkahukay ng mga armas at kagamitan ng NPA.
Walang pagkakaiba ito sa pagpapakana ng mga pekeng labanan, pekeng pagsuko sa mga kawawang sibilyang ginipit, pinipilt, tinakot at sapilitang inilabas ng 59th IBPA bilang mga NPA surrenderees upang pagkakitaan sa ngalan ng E-CLIP.
Maliban sa panghaharas, dagdag pahirap sa mga masa ang malaking abala at gastos dahil ang ultimong pamasaheng ginamit nila sa paulit-ulit na pagpapatawag sa kampo para lamang paulit ulit ding kunan ng litrato ay kinukuha pa sa kakarampot na araw-araw na budget pangkonsumo ng matalitang pamilya.
Literal na ginagawang pala-bigasan ng mga matataas na opisyal ng AFP at PNP ang mga masang pinipresinta nila bilang mga NPA surenderees. Kulang pa ba ang ₱150,000.00 monthly salary ni Gen. Zagala at iba pang mga heneral?
Para bilhin ang katapatan ng militar, itinaas lalo ng peke at hari ng korapsyong pangulong si Ferdinand Marcos II ang sweldo at benipisyo ng berdugong militar. Kaya nman pikit-matang sumusunod ang AFP at nagsisilbi silang tunay na protektor sa pandarambong ng rehimeng US BBM sa kaban ng bayan at mga proyektong katulad ng flood control project.
Habang masugid na tinatahak ng pekeng rehimeng US-Marcos II at ng kanyang mga tuta sa AFP-PNP ang kaparehong pagkakamali na ginawa ng kanyang tatay at numero-unong mandarambong na si Ferdinand Marcos Sr, lalo lamang nilang pinapabilis ang kanilang paghukay sa sariling libingan. Ang nahihinog na nag-aalimpuyong galit ng binubusabos at sinusupil na mamamayan ang magsisilbing daluyong na siyang ganap na magpapatalsik sa kanya sa poder ng kapangyarihan at magtatapon sa kanila sa basurahan ng kasaysayan.
Sa EDSA man o sa lahat ng larangan ng paglaban, mula kanayunan hanggang kalunsuran, ang kolektibong kapangyarihan ng sambayanang lumalaban at naghihimagsik ang mapagpasya!
Mabuhay ang NPA, tunay na hukbo ng mamamayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Manggagawa, kabataang estudyante, magsasaka at iba pang uring api at pinagsasamantalahan, sumapi sa NPA at isulong ang Digmang Bayan!